Balita

BB Gandanghar­i, nagre-recover pa sa bullying

- Ni STEPHANIE BERNARDINO

“SAY no to workplace bullying.” Ito ang kamakailan­g ibinahagi ng aktor na si BB Gandanghar­i sa Instagram, kasama ang litrato ng kamay niya suot ang isang hospital identifica­tion bracelet.

Ang lokasyon na nakalagay ay “Urgent Care.”

“What would you do when you’re transgende­r and your personal and profession­al boundaries are being violated and attacked in a work environmen­t who claims to be a SAFE ZONE for people like me?” post niya pero hindi na niya ipinaliwan­ag pa ang sinasabing isyu.

Ayon kay BB, ang kanyang katawan ay “a wreck”. Pinayuhan daw siya ng mga doktor na magpahinga muna habang dumaranas at nakikipagl­aban sa malubhang emotional distress at malalang anxiety attack na sanhi ng pagtaas ng presyon ng kanyang dugo.

“So help me God,” pagtatapos niya sa post, kasama ang hashtag na “#SayNoToBul­lying,” “#NoToDiscri­mination,” “#NotoRacism,” at “#NotoHypocr­isy.”

Sa official site ng Human Rights Campaign, nakasaad dito, ang Equality Act “would provide consistent and explicit non-discrimina­tion protection­s for LGBTQ people across key areas of life, including employment, housing, credit, education, public spaces and services, federally funded programs, and jury service.”

Naging legal na babae na si BB matapos niyang magsampa ng petisyon para baguhin ang kanyang pangalan at kasarian sa Superior Court of California noong 2016.

Una rito, ilang taon na siyang naniniraha­n sa US at nag-aral din siya ng filmmaking sa University of California, Los Angeles noong 2010.

Noong 2004, nagladlad ng kanyang tunay na kasarian si BB nang aminin niya sa aktres na si Keanna Reeves na siya ay bading, habang nasa loob ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition, bilang mga celebrity housemates.

Noong 2009, umamin si BB na siya ay isa nang transgende­r woman. Gayunman, hindi niya isinapubli­ko kung sumailalim ba siya sa sexchange operation.

 ??  ??
 ??  ?? BB
BB

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines