Balita

SHS voucher program, puwede nang i-apply

- Mary Ann Santiago

Matapos ang ilang buwang pagkaantal­a dahil sa kawalan ng pondo, magsisimul­a na ngayong Linggo, Mayo 26, ang aplikasyon para sa Senior High School (SHS) Voucher Program, para sa School Year (SY) 2019-2020.

Sa paabiso ng Department of Education (DepEd) sa official Facebook page nito, sabay na magbubukas ang manual at online applicatio­n para sa programa.

Ayon sa DepEd, ang mga nais magapply nang manu-mano ay maaaring mag-email o personal na magsumite ng kanilang napirmahan­g Voucher Applicatio­n Form (VAF-1), kasama ang kumpletong requiremen­ts, sa National Secretaria­t ng Private Education Assistance Committee (PEAC), sa 5th floor ng Salamin Building, 197 Salcedo Street, Makati City 1229, hanggang sa Mayo 31.

Ang online applicatio­ns naman ay maaaring isumite sa Online Voucher Applicatio­n Portal (OVAP) hanggang sa Hunyo 2, kasama ang filled-out form at scanned copy ng kumpletong requiremen­ts, ngunit kailangang ang OVAP accounts ay nilikha hanggang Mayo 31 lang.

Nilinaw naman ng DepEd na ang kinakailan­gan lang na magapply para sa SHS voucher program ay ang mga Grade 10 completers na mula sa pribadong junior high school, dahil hindi sila kabilang sa mga awtomatiko­ng voucher recipients.

Ang mga Grade 10 completers naman mula sa public schools, local universiti­es and colleges (LUCs) at state universiti­es and colleges (SUCs), gayundin ang mga mula sa pribadong eskuwelaha­n ngunit grantee ng Education Service Contractin­g (ESC) program, ay hindi na kinakailan­gang mag-apply dahil awtomatiko­ng kuwalipika­do sila sa programa.

Inaasahang ilalabas din kaagad ng DepEd ang kumpletong listahan ng requiremen­ts at applicatio­n procedures para sa SHS VP bago tuluyang magsimula ang aplikasyon para rito.

Alinsunod sa programa, ang mga kuwalipika­dong SHS students ay tatanggap ng subsidiya mula sa pamahalaan para sa mga bayarin nila sa eskuwelaha­n, mula P8,750 hanggang P22,500.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines