Balita

Kailangan nang tapusin ang land reform —Duterte

- Argyll Cyrus B. Geducos

Bagamat nais niyang magpatuloy, inihayag ni Pangulong Duterte ang masamang balita hinggil sa paghinto ng pamamahagi ng lupa ng pamahalaan, sa pagsasabin­g kailangan nang ihinto ang land reform program.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, ipinagmala­ki ni Duterte na siya ang pangulo na may pinakamara­ming naipamahag­ing lupa sa mahihirap, ngunit ngayon ay kailangan na itong ihinto.

“Land reform gusto ko ‘yan. Ako ang pinakamara­ming titulo na --- almost 60,000 hectares. Gusto ko pa. But the land reform program has stopped. We no longer cannot acquire,” aniya.

Gayunman, muli niyang binalaan ang mga grupo, katulad ng Kadamay, na huwag mangamkam o mang-agaw kung hindi ay aarestuhin ang mga ito, kabilang ang isang “Atty. Mahinay.”

“Kagaya nitong Kadamay, I’m warning you. ‘Yung land grabbing ninyo style ng okupasyon. Basta ang order ko sa law enforcemen­t, hulihin ninyo pati ‘yang Atty. Mahinay na ‘yan. Ipapahuli ko talaga ‘yan,” ani Duterte.

Muli din niyang minaliit ang pangako ng New People’s Army (NPA) sa mga tao na bibigyan ang mga ito ng lupa, sa pagsasabin­g hindi ito kasingdali ng kanilang inaakala.

“Akala nila sila lang ang marunong. Mag-land reform, wala naman typewriter, ang tataas ng kuko, walang ballpen. Mag-drawing ng --tapos mag-land reform ka,” giit niya.

Una nang nangako si Duterte na ipamamahag­i sa mga tao ang lupang pag-aari ng pamahalaan, kasunod ng utos kay Agrarian Reform Secretary John Castricion­es na pabilisin ang proseso at ipamahagi sa mga Pilipino ang lahat ng mga lupain sa loob ng kanyang termino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines