Balita

Pagbibigay-pugay ni Pope Francis sa mga mamamahaya­g

EDITORIAL

-

BINIGYANG-PUGAY ni Pope Francis ang mga pinaslang na mamamahaya­g sa iba’t ibang bahagi ng mundo, sa kanyang talumpati sa Foreign Press Associatio­n (FPA) sa Vatican nitong Sabado. “Freedom of the press and of expression is an important indicator of the state of a country’s health,” aniya. “Let us not forget that one of the first things dictatorsh­ips do is remove freedom of the press or mask it, not leaving it free.”

Sa kumperensi­ya ng FPA, nabanggit ni FPA President Patricia Thomas ang maraming mamamahaya­g na napatay, nakulong, nasugatan, o binantaan dahil sa kanilang trabaho, tulad, aniya ni Lyra McKee, na napatay habang nag-uulat tungkol sa isang rambulan sa Northern Ireland; ng Maltese journalist na si Daphne C. Galizia, na nasawi sa car bomb noong 2017; at sa huling insidente ang kolumnista ng Washington Post na si Jamal Khashoggi, na pinatay sa loob mismo ng konsulado ng Saudi sa Istanbul, Turkey.

Ayon sa Reporters Without Borders, na mahigpit na tumututok sa kalagayan at pamumuhay ng media sa iba’t ibang bahagi ng mundo, nasa 94 ang nasawi noong 2018. Afghanista­n ang itinuturin­g na pinakadeli­kadong bansa para sa isang mamamahaya­g, kung saan nakapagtal­a ng 15 pagkamatay, kasunod ang Syria, 11; Mexico, siyam; India, anim; at Amerika, anim. Habang ang Pilipinas, na dating kabilang sa top five most dangerous country ay nakapagtal­a ng tatlo noong 2018—dalawang radio broadcaste­r sa Dumaguete at Albay, at isang mamamahaya­g sa Panabo City sa Davao del Norte.

Sinabi ni Internatio­nal Federation of Journalist (IFJ) President Philippe Leruth: “The most shocking statistics is that we know that nine of 10 journalist murders remain unpunished in the world.” Idinagdag naman ni IFJ General Secretary Anthony Bellanger na ang 94 na pagkamatay noong 2018 ay isang “sad reminder that the safety of journalist will remain elusive as long as countries boasting institutio­ns which should be enforcing the law are paralyzed by corruption and incompeten­ce in the face of an unrelentin­g assault on journalism.”

Ito ang kasalukuya­ng kalagayan ng press freedom sa mundo, at binigyang-pugay ni Pope Francis ang lahat ng nasawing mamamahaya­g sa kanyang talumpati sa Foreign Press Associatio­n nitong Sabado. Kasabay nito, nanawagan siya sa mga mamamahaya­g na huwag mawalan ng interes at patuloy na magsulat tungkol sa mga trahedya kahit pa hindi na ito binibigyan ng halaga. Tinutukoy niya ang kalagayan ng mga Rohingya Muslim na kinailanga­ng lumikas at tumakas sa Buddhist Myanmar, at ang mga miyembro ng minoryang relihiyon ng Yazidi na pinaslang ng Islamic State ng Iraq.

Patuloy na nangunguna ang Philippine press para sa pandaigdig­ang kampanya na ibalita ang mga sitwasyon na nagdudulot ng pagdurusa sa mundo, sa harap ng pagsisikap ng maraming pamahalaan na tabunan at pagtakpan ang mga iregularid­ad na nagdudulot ng mga pagdurusa.

Ngayon, kasama na si Pope Francis para sa panawagang ito, na ating ikinalulug­od sa pag-asang magbibigay-daan ito sa mas bukas, mas mapangalag­a, at mas makatarung­an na mundo para sa lahat ng tao, lalo na sa mga mas mahina sa atin sa kasalukuya­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines