Balita

Ang Flores de Mayo at Santakrusa­n

- Clemen Bautista

MATAPOS ang Flores de Mayo, susunod ang Santakrusa­n. Ito’y prusisyon sa Banal na Krus, na layuning gunitain at bigyan ng pagpapahal­aga ang pagkakatag­po sa Krus sa Kalbaryo ni Reyna Elena, ina ng batang Hari na si Constantin­o.

Ayon sa kasaysayan, noong taong 326, naglakbay si Reyna Elena sa Jerusalem at tatlong krus. Isa sa mga krus ang may mapaghimal­ang kapangyari­han, at pinaniwala­an ni Reyna Elena na iyon ang pinagpakua­n at kinamataya­n ni Kristo sa Kalbaryo matapos na Siya’y dakpin, parusahan at ipako sa krus ng mga Hudyo hanggang sa mamatay. Ngunit makalipas ang tatlong araw, si Kristo’y muling nabuhay. Ang unang nakabatid nito ay si Maria Magdalena, na siyang nagbalita sa mga alagad ni Kristo.

Ang kapistahan ng Sta. Cruz ay itinakda ng Simbahan na ipagdiwang tuwing ika-3 ng Mayo. Ang pagdiriwan­g ay bilang

pagpapahal­aga sa pagkakatag­po sa Banal na Krus ni Reyna Elena.

Ang pista ng Sta. Cruz ay nagsimula pa noong kapanahuna­n ng mga unang Simbahang Kristiyano. Dinala at ipinakilal­a sa Pilipinas ng mga misyoneron­g Kastila. Ginamit sa pagpapalag­anap ng Ebanghelyo na bahagi na ng kanilang pagmimisyo­n sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Bunga nito, ang Sta. Cruz ay naging patron at pangalan ng maraming bayan, lungsod at barangay. Mababanggi­t na mga halibawa ang Sta. Cruz, Laguna; Sta Cruz, Maynila, Sta.Cruz, Marinduque, Sta. Cruz, Ilocos Sur, at Barangay Sta. Cruz sa Antipolo, Rizal.

Ang Santakrusa­n ay idinaraos sa mga pangunahin­g lansangan sa bayan na karaniwang nagsisimul­a sa harap ng simbahan o kapilya. Nagwawakas sa tapat ng bahay ng napiling Reyna Elena, na roon ay may inihandang pagkain para sa mga lumahok at sumama sa Santakrusa­n.

Tampok sa Santrakrus­an ang isang napiling dalaga na kinoronaha­n bilang Reyna Elena. Umaawit ang mga kasama sa prusisyon at iba pang umiilaw ng “Dios te salve, salve Maria, llena eres de Gracia, El Senores,. Senores contigo,bendita tu eres, entre todas las Mujeres, ebendito es el fruto, de tu vientre Jesus”. Ang nabanggit ay dasal sa Kastila sa Mahal na Birhen na ang salin sa Pilipmo ay “Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya .... Kung walang umaawit ay tinutugtog naman sa prusisyon ng isang banda ng musiko.

Nasa hulihan ng Reyna Elena (katabi ang kanyang Constantin­o) ang karosa na naroon ang imahen ng Mahal na Birhen. Maliwanang ang mga ilaw at may palamuti ang karosa.

Kasama sa Santakrusa­n ang iba pang sagala, katulad ng Rosa Mistica, Reyna de las Estrellas, Reyna del Cielo, Reyna Paz, Reyna de los Virgines at Reyna de las Flores.

Sa prusisyon, nasa unahan ang mga sundalo at si Matusalem. Kasunod ang Reyna Banderada, na may hawk na dilaw na bandila na sagisag ng pagdating ng Kristiyani­smo sa Pilipinas.

Kasama at mga tauhan ng Santrakrus­an ang Reyna Fe, na may hawak na krus ng pananampal­ataya; Reyna Esperanza, na may hawak na angkla.; Reyna Caridad, na may hawak na Puso; Reyna Abogada, ang tagapagtan­ggol ng mahihirap at inaapi; Reyna Sentanciad­ia, na kumakatawa­n sa mga walang sala; at Reyna Justicia, na may hawak na timbangan ng katarungan.

May mga batang babae rin sa Santakrusa­n, na may hawak natig-iisang letra na kapag binasa ay AVE MARIA.

Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng pagbabago ang Santakrusa­n. Ang mga orihinal na mga tauhan nina Reyna Elena, Haring Constantin­o at iba pang sagala ay nakasama sa agos ng mga pagbabago. Nahaluan at nabalutan ng materyalis­mo. Ang mgs sagala sa Santakrusa­n ay mga beauty queen, mga artista sa pelikula at telebisyon. Tinitilian sila ng kanilang mga fans kapag kumakaway at ngumingiti.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines