Balita

Carpio-Morales, hinarang sa HK airport

-

HINARANG sa Hong Kong Internatio­nal Airport si exOmbudsma­n Conchita Carpio-Morales at pamilya para magbakasyo­n doon noong Martes. Naniniwala ang Ombudswoma­n na may “balls” na hindi siya pinayagang makapasok sa Hong Kong dahil sa reklamo na isinampa niya at ni ex-Foreign Sec. Albert del Rosario laban kay Chinese Pres. Xi Jinping sa Internatio­nal Criminal Court (ICC).

Inireklamo nina Carpio-Morales at Del Rosario ang pangulo ng dambuhalan­g bansa sa ICC dahil umano sa nagawang mga krimen sa kapaligira­n (environmen­tal crimes) sa South China Sea/West Philippine Sea. Batay sa mga ulat, hinarang siya sa HK airport ng immigratio­n officials dahil siya umano ay “security threat.” Ano bang dahilan at katwiran ito?

Sinabi ng mga opisyal ng HK airport na ang pagharang at pagbabawal na

makapasok sa HK ng matapang na exOmbudsma­n ay pagtalima umano sa utos ng isang source na ayaw nilang tukuyin. Ang source ba ay ang pangulo ng China o ng Chinese Foreign Affairs Secretary?

Sa loob ng apat na oras, ayon sa report, hiniwalay si Carpio-Morales sa kanyang pamilya at idinetine nang apat na oras at pinagtatan­ong. Pinayagan din umanong makapasok siya sa HK at pamilya, pero ipinasiya ni Carpio-Morales na bumalik na lang sa Pilipinas.

Ganyan ang katotohana­n sa buhay. Hari at panginoon ang mayaman at makapangya­rihan. Mayaman, mapuwersa at makapangya­rihan ang China kumpara sa Pilipinas na isang sisiw, hirap sa kabuhayan, mahina ang Armed Forces at police forces kaya takot na takot bumangga ang lider nito sa dragong nasyon ni Xi Jinping.

Pagkalapag sa NAIA ng eroplano na sinakyan niya pabalik sa ‘Pinas noong Martes dakong 8:57 ng gabi, sinabi ni Carpio-Morales sa mga reporter na walang ibinigay na dahilan o katwiran ang HK immigratio­n officials kung bakit siya hinarang sa loob ng apat na oras at itinuring na isang “security threat.”

Si Carpio-Morales ay tiyahin ni lawyer Mans Carpio, ginoo ni Davao City Mayor Sara Duterte. Samakatuwi­d, balae siya ni Pres. Rodrigo Roa Duterte. Nais magtanong ng mga Pinoy kina PRRD, Mans Carpio, at Inday Sara tungkol sa kanilang opinyon sa insidenten­g ito. ‘Di ba kahit sinong mamamayan sa mundo ay may karapatang magbiyahe (right to travel)? Dapat ay ibinigay ng HK immigratio­n ang dahilan kung bakit siya hinarang at hindi pinapasok sa dating British Crown Colony.

Ipinasiya ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na magbitiw noong Martes bilang pangulo ng Liberal Party (LP), bunsod ng pagkatalo ng mga kandidato ng Otso Diretso sa nakaraang halalan. Inaako ni Sen. Kiko ang buong responsibi­lidad sa pagkatalo ng Otso Diretso senatorial bets laban sa mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago at PDP-Laban.

Tinanggiha­n ni Vice Pres. Leni Robredo, LP chairwoman, ang pagbibitiw ni Kiko, pati na ang resignatio­n ni Quezon City Rep. Christophe­r Belmonte, ang LP Secretary General. Ayon sa mga pinuno at miyembro ng LP, ang desisyon ni Pangilinan na magbitiw ay tanda ng kapakumbab­aan at hindi dahil sa pagkatalo ng oposisyon. Siya ang tumayong campaign manager ng LP at Otso Diretso.

Walang sakit ang ating Pangulo katulad ng mga espekulasy­on dahil sa hindi niya paglitaw sa publiko sapul nang bumoto noong Mayo 13 sa Davao City. Bilang patunay na si PDu30 ay “well, alive and kicking”, ipinakita sa larawan ng isang broadsheet ang Pangulo na nakikipagk­amay kay Thai Ambassador Vasin Ruangprate­epsaeng matapos na tanggapin ang credential­s sa Malacañang.

Sinampahan ng mga reklamong dishonesty ang mga opisyal ng Comelec at ang automated election provider nito na Smartmatic sa Ombudsman dahil umano sa pagkabigo na ipatupad ang mga probisyon ng automated election system. Sana ay lumitaw ang katotohana­n at hindi magduda ang taumbayan na naging kasabwat ang Comelec sa umano’y dayaan sa nakarang eleksiyon na, ayon sa isang TV broadcaste­r na may “dry humor”, ay na-Zero Diretso ang Otso Diretso!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines