Balita

QC, sumungkit ng playoff sa M-League

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Bacoor Strike Gym, Cavite) 10:30 a.m. – Pasay vs Makati (17U) 1:00 p.m. – Las Piñas vs Parañaque (17U)

2:30 p.m. – Bacoor vs Taguig (17U) 4:30 p.m. – Pasig vs Caloocan (Reinforced) 6:00 p.m. – Bacoor vs Marikina (Reinforced)

NAKAMIT ng Quezon City ang inaasam na playoff berth matapos padapain ang Pateros-Metro Asia 100-86 nitong Huwebes ng gabi sa Metro League Reinforced (Second) Conference sa San Andres Sports Complex sa Manila.

Solido ang naging simula ng Junior Capitals na maagang umagwat ng 16puntos, 22-6, hanggang sa nagtuluytu­loy sa blowout na panalo na nag-angat sa kanila sa markang 5-2.

Dahil dito, naselyuhan din ng QC ang isang semifinal spot sa North Division ng ligang ito na suportado ng Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA), Philippine Basketball Associatio­n (PBA) at Barangay 143.

Nagwagi rin ang Valenzuela-San Marino, 77-52 kontra Manila-INGCO.

Nagtala si John Carl Melegrito ng game-high 22 puntos kasunod si Ibrahim Ouattara at JJ Española na may 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasun­od upang pamunuan ang nasabing panalo ng Quezon City.

Namuno naman para sa Pateros si Alexander James Asis na may 17 puntos.

Tuluyan namang nalaglag sa kontensiyo­n ang Pateros sa pagbaba

nito sa barahang 1-7 sa South Division ng liga na itinataguy­od ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporatio­n.

Tumapos namang may 14 puntos si Reneford Ruaya upang pangunahan ang reigning All Filipino Conference champion Valenzuela sa pag-akyat sa markang 4-3 sa North Division nitong liga na suportado din ng SMS Global Technologi­es, Inc. bilang official livestream and technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet service provider at Manila Bulletin bilang media partner.

Namuno naman si ex-PBA player Ronnie Matias para sa Manila na bumagsak sa 3-5 na kartada sa itinala nitong 13 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines