Balita

Marian, sexy na uli

- Ni NORA V. CALDERON

“PARANG hindi nanganak!” Ito ang nagkakaisa­ng komento ng mga netizens nang unang lumabas ang latest photo ni Marian Rivera,

just a month after niyang isinilang ang baby boy nila ni Dingdong Dantes, si Jose Sixto Gracia Dantes IV.

Yes, hindi mo nga iisiping nagsilang si Marian noong nakaraang buwan, dahil kahit hindi pa totally bumabalik ang dati niyang figure, seksing-sexy na siya.

Natanong namin ang manager ni Marian, ang presidente ng Triple A management na si Rams David, kung para saan ang photo shoot ng aktres. Balik-trabaho na ba ang Kapuso Primetime Queen? “Hindi pa, kailangan lang niyang i-shoot iyong big promo ng isa sa mga ini-endorse niya, na kailangang mapanood this Sunday, sa Sunday PinaSaya,” kuwento ni Rams. “Pero hindi pa siya babalik sa show, sa July pa siya babalik.

“May mga shoots na rin siyang gagawin next month, may contract signing, launch. Iyon pa lang ang puwede niyang gawin, dahil three months naman ang kanyang maternity leave.”

So, by July pa siya magre-report sa Sunday PinaSaya at magbabalik-taping para sa spiels ng OFW docu-drama niyang Tadhana, na pansamanta­lang ginagawa ni Dingdong.

May gagawin din bang teleserye si Marian sa pagbabalik niya? Inip na rin kasi ang mga fans niya na muli siyang mapanood sa serye. Ang Super Ma’am ang huling teleserye ni Marian bago siya muling nagbuntis.

“Wala pa namang inilalatag na concept for a teleserye. Siguro titingnan pa niya kung kaya niyang mag-teleserye ngayong dalawa na ang babies nila. Alam mo naman si Yan, hands-on siya pagdating sa kanilang mga anak,” sabi ni Rams.

“Sa ngayon, kung may free time, siguro kapag tulog ang mga bata, iyong hobby niyang paghahalam­an, iyon ang inaasikaso niya at ipino-post niya sa kanyang Instagram Story.

“And of-course ang kanyang Flora Vida by Marian na labis ang pasasalama­t niya dahil noong Mother’s Day, na nagbenta rin siya ng special edition ng @aurochocol­ates kasama ng @floravidab­ymarian flowers niya, ay marami silang nabenta.

“Ang buong pinagbenta­han ng @aurochocol­ates ay ibinigay niya sa @smiletrain­ph at maraming batang bingot ang mabibigyan ng bagong ngiti sa #YANangsmil­e,” sabi pa ni Rams.

 ??  ??
 ??  ?? Marian
Marian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines