Balita

Aiko, umaming may tampuhan sa BF

PAANO NAMAN KAMI?

- Ni REGGEE BONOAN

Maingat na tinawid ng dalawang bata ang sirang tulay sa Sierra Madre sa Quezon, kung saan libu-libong pamilyang katutubo at magsasaka ang nangangani­b na mapaalis dahil sa Kaliwa Dam project. Nakatakdan­g simulan ngayong taon ang proyektong pinondohan ng China, na titiyak sa sapat na supply ng tubig sa Metro Manila.

KARARATING lang ni Aiko

Melendez sa Amerika nitong Biyernes nang makarating sa kanya ang balita na pinalayas daw siya ng boyfriend niyang si newlyelect­ed Zambales Vice Governor Jay

Khonghun, dahil ipinabalik daw nito ang mga gamit ng aktres sa bahay ng huli sa Manila.

Kaagad na klinaro ni Aiko ang isyu, sa isang mahabang Facebook post.

“No truth to the rumors, that Jay Khonghun sent my things over and pinalayas po ako? Nakakatawa ‘yung pinalayas,” sabi ni Aiko.

“Una, our usapan was 45 days lang, ‘di ba. ‘Di naman kami live-in po. Tumulong ako sa kampanya, pero uuwi din ako sa bahay ko after, kasi kasama ko mga anak ko dun.

“I just want to make it clear po na ipinakuha ko po mga gamit ko ‘cause most of the clothes that I left in their Subic home were the ones na kasya sa akin. Actually, na-realize ko, maluwag na din.

“Being the prudent I am. Ayaw ko bumili bago, kasi nga ‘yung weight loss ko every week nagbabago. Pinakiusap­an ko siya baka puwede padala niya mga gamit ko, and he did through his staff.

“You guys might be wondering why am I travelling alone? And speculatio­ns have been going around na wala na po kami. Aaminin ko po, Jay and I are just like ordinary couples, who goes thru arguments and little fights. Mostly we fight about him being careless and insensitiv­e with my emotions, probably because he is busy, and now ako naman ang magiging busy.

“We fight about jealousy, well mostly sa part niya po. Ha, ha, ha. But minsan I get jealous, lalo na ‘pag may suspicious text from a girl that he would always honestly tell me. Our golden rule was never to make pakialam each

other’s phone, kumbaga privacy namin ‘yun, kaya pansin n’yo, phone ni VG may takip.

“I never actually questioned him and doubted him kasi laging nasa isip ko, ‘di naman niya magagawa ‘yan, pagkatapos ng lahat-lahat ng sakripisyo ko??? About sino ka-text or kausap niya.

“Mainly because I am very secured of where I stand, and also, sa pagkakaala­m ko din, wala naman daw ako dapat ikaselos. Ewan ko na lang after this post kung meron ba dapat, ha, ha, ha, ha!

“And I am also secured that Jay sees me on a different level now, ‘cause kahit nga kayo nagulat sa ginawa ko during elections. And ‘di mapapantay­an ang bonding moments namin ni Jay during elections,” mahabang kuwento ng girlfriend ni VG Jay.

Sa pagkakakil­ala namin kay Aiko, simula nu’ng natuto siyang magmahal, ay solid talaga siya kapag na-in love, at sa taong mahal lang niya ang kanyang atensiyon. Para siyang kabayo na may takip, para walang ibang nakikitang iba.

“Sabi ng isang bakla ko na friend, ‘Madam daig mo ang pa isang tunay na bakla kung magmahal!’ Ganun ako sa lahat, when I love, I give my all. Mahal ko Zambales kasi napalapit kayo sa puso ko. Dahil na rin siguro sa maiksing panahon, nakita ko gaano din nila ako kamahal.

“Ewan ko rin kung sakali man ‘di kami magkatuluy­an ni Jay, hindi ko rin alam kung mamahalin n’yo kung sino ang susunod na ipapalit niya sa akin, kagaya ng pagmamahal na ibinibigay n’yo sa akin.

“Ang dasal ko lang is whoever she may be, I hope and pray that she sees Zambales the way that I do. Hoping the sincerity, care and compassion that I gave Zambales, kung hindi mahigitan mapantayan man lang.”

Samantala, hindi naman naitanggi ni Aiko na may tampuhan sila ngayon ng karelasyon.

“Ako, I’m being honest. Jay and I are going through a phase now. Because I am a celebrity and [siya naman] politician, may tsismis at tsismis talaga. So gusto ko sa akin galing para ‘di kulang, ‘di sobra, but I do hope also for now I won’t get into details. And sana, since nag-share naman ako, kahit paano, ibalato n’yo sa akin na ‘wag na idetalye.

“My trip now is to follow my kids who I’m missing so much. Nababaliw na ako. Mabuti pinayagan ako ng GMA na antayin ang pagbabalik ko, salamat po. Ngayon, sa mga nagtatanon­g kung susunod si Jay para maka-bonding ang mga anak ko dahil ‘yun ang naipangako niya, ayaw ko ipilit hayaan natin na si Vice Gov mag-decide du’n.

“Kapag nakita natin siya sumunod, eh, ‘di ibig sabihin gusto niyang patunayan his worth. Pagod na rin ako sa kaka-bash ng mga walang magawa na [nagsasabin­g] papalit-palit [ako] ng relasyon, when in fact ang nagiging kasalanan ko, sa ano mang bagay, ‘pag tumaya ako, sana tumaya rin sa akin nang mas.

“Kasi ‘yun ang prayer ko na mahalin ako nang sa mas mahal ko. Dati ganu’n naman si Jay, in fairness to him. Lately, sabaw lang at 24 hours daw tulog, ha, ha, ha, ha!

“Anyways! There you go, no judgments, pls. Sabi ko nga, it’s just a phase. So ‘yung mga bitteret d’yan at nagsasaya na hiwalay na kami, eh i-postpone n’yo muna. Hawakan nang mahigpit ang panga bago magsaya, kasi ‘di natin alam baka maayos naman. Dito magkakasub­ukan ng haka-haka n’yo.

“Ok, so for now, kapit lang. Aiko Melendez from far away land, Jay Khonghun.”

 ??  ??
 ??  ?? Aiko at Mayor Jay
Aiko at Mayor Jay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines