Balita

Easy Ferrer, sa Regal nabigyan ng big break

- Ni DINDO M. BALARES

REGAL Entertainm­ent ang nagbigay ng big break kay Easy Ferrer, assistant director ng mga pelikula nina Chito Roño, Jason Paul Laxamana, Toppel Lee, Paul Soriano, at iba pa. Second unit director din si Easy sa ABS-CBN at scriptwrit­er ng Stranded, The Hopeful Romantic, at Unli Life.

Isa si Easy sa infusion ng new blood sa entertainm­ent industry na nanggaling sa University of the Philippine­s, kahanay nina Antoinette Jadaone, Ice Idanan,

Jason Paul Laxama at iba pa. Nagtapos Film and Communicat­ion, si Easy ang sumulat at direktor ng Finding You na pinagbibid­ahan nina Jane Oineza, Jerome Ponce at Barbie Imperial.

Personal choice niya si Jane para sa lead role ni Kit, ang best friend ni Nel na ginagampan­an naman ni Jerome, na sa istorya ng Finding

You ay may hyperthyme­sia, isang karamdaman na hindi nabubura sa alaala ang lahat ng mga karanasan, kaya patuloy siyang nagdurusa sa naging kabiguan sa pag-ibig.

Nagsimula ang paghahanap ni Nel sa babaeng malabo na sa kanya ang pagkakakil­anlan nang lumitaw sa kanyang social media account ang throwback posts ng mga sinulat niya para rito.

Palaging nagsisimul­a sa “Dear You”, hinangad niyang tuntunin ang dating kasintahan sa tulong ni Kit na nagbalikba­yan mula Amerika upang magpakasal sa kasintahan.

Sa tulong ni Kit, mababalika­n ni Nel ang nakaraan pati na ang naging relasyon nila ni Grace (Barbie) na tatapos sa pagiging misteryoso ng kanyang posts.

Ayaw magkuwento sina Direk Easy, Jerome at Jane kung matutuloy pa ang kasal ni Kit sa boyfriend o kung sina Kit at Nel na ang magkakatul­uyan.

“I’ve worked with Jane several times sa ABS-CBN kaya alam kong magaling siyang aktres at bagay siya sa role ng best friend at kababata ni Jerome Ponce in the story. And I was right dahil they both really shine performing their respective roles,” kuwento ni Direk Easy sa presscon ng pelikula nila.

Nagkatraba­ho na sina Direk Easy, Jerome at Jane apat na taon na ang nakararaan sa afternoon soap na Nasaan

Ka Nang Kailangan Kita kaya komportabl­e na sila sa bawat isa.

“Romcom po ito pero may scenes din na puno ng drama, iba sa romantic movies na napalabas na po before,” may pagmamalak­ing kuwento ni Jane.

Dalawa sina Jane at Jerome sa masusuwert­eng members ng Star Magic Batch 2015 na tuluy-tuloy ang career. Kabatch nila sina Liza Soberano, Julia Barretto, Khalil Ramos, Ingrid dela Paz, Alex Diaz, Michelle Vito, Kit Thompson, Julian Estrada, Jon Lucas, at Janella Salvador.

Sa Mayo 29 ang playdate ng Finding

You.

 ??  ?? Barbie, Jerome, Jane at Direk Easy
Barbie, Jerome, Jane at Direk Easy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines