Balita

Kapamilya talents, tuloy ang buhos ng suporta sa network

- Ni NITZ MIRALLES

BUMAHA ang pagpapahay­ag ng suporta ng Kapamilya talents sa ABS-CBN, at gamit ang logo ng network ay kani-kaniya sila ng post ng kanilang saloobin sa isyung sinimulan ni Jimmy Bondoc.

Post ni Agot Isidro: “Started my career here in 1992. Still here.”

“This ‘network’ saved my life,” post naman ni JM de Guzman. Mahabang post

ni Sunshine Cruz:

“Share ko lang po. Year 2013. Nung panahong lugmok ako, walang pera, walang matirahan, ABSCBN

ang nagbigay ng tyansa na makabalik ang isang katulad kong bagsak na bagsak ang moral. “I will always be GRATEFUL to them. Naitaguyod ko ang aking tatlong maliliit na anak, nakapundar ako nang maayos na tahanan na aming tinitiraha­n ngayon. At nakakakain kami nang nasa oras dahil sa pagtitiwal­a ng ABS-CBN sa isang katulad ko. “Hindi ako kailanman magagalak na mawalan ng trabaho o pangkabuha­yan ang nakararami­ng tao na nagtatraba­ho nang maayos para matulungan ang kanilang pamilya, dahil kailanman ay hindi ito tama.

“Guys, freelance artist po ako. I have worked with both networks. Grateful sa parehong networks for the work and chance. Marunong lang po tayong tumanaw ng utang na loob sa mga tao na naging bahagi ng ating growth at success. Hindi dapat ipagbunyi ang pagkawala o pagsasara ng isang company na nakakatulo­ng sa maraming tao at pamilya,” say ni Sunshine.

“Maraming salamat, ABSCBN. Kayo po ang naging daan kung bakit nabago ang buhay ko, buhay ng pamilya ko, at buhay ng maraming tao,” post naman ni Coco Martin.

“Salamat sa oportunida­d na ibinigay ninyo sa ‘kin at sa patuloy na pagseserbi­syo para sa lahat ng Pilipino. Ito’y habambuhay kong tatawawin na utang na loob.

Maraming salamat po!!!” Nag-post din si Martin

Nievera: “I am proud to say I was with @abscbn when they began again #day1 #stillhere #grateful #abscbn.”

Una nang nakipagsag­utan si Angel Locsin kay Jimmy sa social media kaugnay ng umano’y mga iregularid­ad sa “biggest television network” sa “countless victims” nito, at kung paanong ang dating Kapamilya singer na si Jimmy ay “eagerly awaiting” ang umano’y napipinton­g pagsasara ng ABS-CBN, kaugnay ng banta ng gobyerno na hindi na ire-renew ng franchise ng network sa 2020.

Siguradong may mga susunod pang Kapamilya talents na magpapahay­ag ng suporta sa ABSCBN sa mga susunod na araw.

 ??  ?? Martin
Martin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines