Balita

Manila Indie Festival, promise ni Mayor-elect Isko

- Remy Umerez

ISANG bukas na aklat sa marami ang mga paghihirap na dinanas ni Manila Mayorelect Isko Moreno, at minsan na rin niyang sinabi na kung may below poverty level, doon siya napapabila­ng.

Laki sa hirap at dating nagbabasur­a, 18 years old si Isko nang pasukin niya ang showbiz, na unti-unting naghango sa kanya sa kahirapan. Ito rin ang naging pasaporte niya para mapenetrat­e ang pulitika.

History-making ang nangyari sa latest sa political career ni Isko nang talunin niya ang dating Pangulo na si incumbent Manila Mayor Joseph Estrada, na nagtangka para sa ikatlong termino sa lungsod. Si Isko ay dating vice mayor ni Erap.

Maihahalin­tulad nga sa istorya nina David at Goliath ang naging labanan ng dating magkakampi na sina Erap at Isko. Nakalaban din nila ang isa pang prominente­ng pulitiko sa Maynila, si dating Mayor Alfredo Lim.

Very clearly, gusto ng mga Manileño na magkaroon ng pagbabago. Hesitant pa nga si Erap na mag-concede, pero a gentleman that

he is, kalaunan ay inamin din niya ang pagkatalo.

Everybody loves a winner kaya naman kaliwat kanan ngayon ang TV interviews kay Isko. Nagkaroon naman ng naiibang slant ang guesting niya sa Tonight With Boy Abunda dahil kasama niya ang anak na si Joaquin Domagoso, na ngayon ay bahagi na ng showbiz.

Tutol man ang bagong alkalde na sumabak sa showbiz ang kanyang anak nang hindi pa nakakatapo­s ng pag-aaral, sa huli ay binigyan din niya ng gosignal ang anak, basta tutuparin nito ang pangakong bibigyan siya ng diploma. Napakahala­ga para kay Isko na makatapos sa pag-aaral ang kanyang mga anak.

Another good news ay ang pagdaraos ng Manila Indie Festival, to recognize the talents of young filmmakers.

Sure kami na up there, tiyak na nakangiti at nagagalak si Kuya Germs, German Moreno, sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng anak-anakan niyang si Isko Moreno.

 ??  ?? Mayor Isko
Mayor Isko

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines