Balita

Mario Batali, dapat papanaguti­n

-

IGINIIT ng mga abogado ng babaeng nagakusa sa celebrity chef na si Mario Batali ng panghihipo at sapilitan siyang hinalikan sa isang restaurant sa Boston noong 2017, nitong Huwebes na dapat na pagbayaran ng chef ang ginawa nitong kasalanan.

Nakatakdan­g dumalo sa pagdinig si Mario, who recently gave up financial stakes in all his restaurant­s, sa Biyernes sa Boston, sa kaso ng indecent assault and battery, lahad ng tagapagsal­ita ng Suffolk District Attorney na si Rachael Rollins.

Ito ang criminal charge na isinampa laban kay Mario mula sa ilang alegasyon ng sexual harassment at assault na naging sanhi ng pagbagsak ng kanyang career sa gitna ng #MeToo movement.

“Mr. Batali must be held accountabl­e criminally and civilly for his despicable acts,” pahayag ng mga abogadong sina Eric Baum at Matthew Fogelman sa media.

Inabuso ni Mario ang kanyang celebrity status at niyakag na magpakuha ng litrato kasama ang babae, anila.

“While taking the photograph, Mario Batali groped her breasts, buttocks, and genitals, and kissed her repeatedly without her consent,” sabi pa ng mga abogado.

Dati na ring kinasuhan ng parehong babae si Mario. Ngunit itinanggi ng mga abogado ni Mario ang mga alegasyon laban sa chef. “The charges, brought by the same individual without any new basis, are without merit,” sabi ni attorney Anthony Fuller. “He intends to fight the allegation­s vigorously and we expect the outcome to fully vindicate Mr. Batali.”

Ilang babae na ang lumantad at nagsumbong hinggil sa pangmomole­stiya ni Mario sa kanila.

Humingi ng paumanhin si Mario sa ilang insidente, at sinabing allegation­s “match up” sa kanyang inasal, habang ang iba naman ay mariin niyang itinanggi.

“I have made many mistakes and I am so very sorry that I have disappoint­ed my friends, my family, my fans and my team,” sabi ni Mario sa newsletter noong 2017. “My behavior was wrong and there are no excuses. I take full responsibi­lity.”

 ??  ?? Mario
Mario

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines