Balita

Pagbuhay sa anti-subversion law, kinontra

- Leonel Abasola

Tutol si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa panawagang kriminalis­asyon ng subversion dahil maaari umano itong magamit sa pangaabuso at pananakot sa mga kritiko ng pamahalaan.

“The revival of the anti-subversion law would also violate the provision of the Constituti­on against undue favor and individual or class privilege, as well as hostile discrimina­tion or oppression of inequality against one class or organizati­on,” paliwanag ni Drilon.

Ang panawagan ni Drilon ay tugon na rin sa sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, na ibalik ang anti-subversion law, kaugnay ng datos na 500 hanggang 10,000 kabataan ang nare-recruit ng mga rebeldeng komunista kada taon.

Sinabi ng kalihim na nagagamit ang mga grupong maka-kaliwa sa pagre-recruit ng mga estudyante at tuluyan nang sumasapi sa kilusan.

“We do not want this Congress to be remembered for resurrecti­ng more ‘dead’ laws instead of formulatin­g sound policies that will address the country’s present problems,” ani Drilon .

Kinuwestiy­on din ng senador ang ‘tila umano pagbuhay sa matagal nang pinatay na batas, na napatunaya­ng nagdudulot ng pang-aabuso at instrument­o upang manakit, na labag sa karapatan.

Samantala, inilarawan naman ni Senator Panfilo Lacson na walang pangil ang pinapairal na Martial Law sa Mindanao, at ginagamit lamang ito bilang “psy war” ng administra­syon.

Taong 2017 nang pairalin ang batas militar sa Mindanao matapos ang Marawi siege, at binabalak na muli itong palawigin.

Sinabi pa ni Lacson na ginawa lamang itong panakot at kaiba ito sa Martial law ng administra­syon ni Marcos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines