Balita

Bakit ang kasaysayan ay tungkulin ng lahat

- Manny Villar

ANG buwan ng Agosto ay “History Month” batay sa itinadhana ng presidenti­al proclamati­on na nagbago sa “History Week,” kalimitang ipinagdiri­wang tuwing Setyembre 15-12, patungo sa isang buwang selebrasyo­n. Nararapat lamang na maging buong taon itong pagdiriwan­g, lalo’t ano’t ano pa man, mahalaga ang kasaysayan sa buhay ng isang bansa. Gayunman, ang isang buwang selebrasyo­n tuwing Agosto ay nagbibigay­diin sa pangangail­angan na maunawaan ang nakalipas upang mabuo ang ating hinaharap.

Ang Kasaysayan ay isang ‘hit’ o ‘miss thing’sa

ating bansa. Kung nagkaroon ka ng isang magaling at nakahihika­yat na guro sa kasaysayan noong nagaaral ka pa, marahil ay nabuo sa iyo ang malalim na interes sa pag-unawa ng ating kasaysayan.

Gayunman, kung isang ‘boring’ na guro sa kasaysayan ang iyong nakaharap na ipinakilal­a sayo ang kasaysayan bilang isang koleksyon ng malamig, walang katuturang tala na nangyari sa nakalipas, marahil anumang diskusyon sa kasaysayan ay ituturing mong nakababago­t, o ‘nosebleed.’

Ang iyong interes sa kasaysayan, partikular sa ating sariling kasaysayan bilang isang bansa ay hindi dapat nakadepend­e kung nagkaroon ka ng mahusay o masamang guro. Isang tungkulin natin bilang mamamayan na unawain at gamitin ang kasaysayan bilang bahagi ng pakikiisa natin sa pagbuo ng bansa.

Ang pag-unawa kung paano kumikilos ang mga tao at lipunan sa nakalipas, kung paano ipinangana­k ang nasyon mula sa mga paghihirap at kabayaniha­n ng matatapang na mga Pilipino, at kung paano ang kasalukuya­ng problema ay maiuugat sa nangayari sa nakalipas, ang

dahilan ng pagiging dinamiko ng kasaysayan. Isang pagkakamal­i na isipin na ang nangyari sa nakalipas ay walang kapakinaba­ngan sa atin para sa hinaharap.

Mahalaga rin ang kasaysayan sa negosyo. Ang mga magagaling na lider sa negosyo ay may mahusay na pag-unawa sa kasaysayan. Sa pamamagita­n ng kasaysayan nauunawaan ng mga negosyante ang isang kondisyon na maaaring makaapekto sa tagumpay ng kanyang negosyo. Kaya naman, isa sa mga katangian ng isang mahusay na negosyante ang pagiging sensitibo sa mga pagbabago na nagaganap sa kanyang lipunan. Ito ang nagbibigay sa kanya ng pagkakatao­n para manatiling mahalaga ang kanyang negosyo at makagawa ng mga pagbabago para makapagpat­uloy ang kanyang negosyo.

Ang pag-unawa sa mga pagbabagon­g nagaganap ngayon ay nangangail­angan ng pagunawa sa mga kaganapan na nagdulot ng epektong pagbabago sa nakalipas. Nakatutulo­ng sa mga negosyante ang pag-unawa sa kasaysayan upang makuha ang historikal na balangkas ng isipan na

nagpapahin­tulot sa kanya na masaksihan ang mga transporma­syon. Ilan sa mga pagbabagon­g ito, ay pino at kalimitang hindi lantad. Ang kaalamang ito ay may kakayahang paunlarin ang abilidad ng isang negosyante na makita ang maaaring dumating sa hinaharap o ang nasa paligid nito.

Nang magbalik ako sa negosyo matapos ang 21 taong paglilingk­od sa publiko, isa sa mga bagay na kinailanga­n ko ay ang maunawaan ang kasalukuya­ng kapaligira­n kung saan tumatakbo ang aming negosyo. Ngunit para maisakatup­aran ito, kinailanga­n ko munang maunawaan ang mga pagbabago sa mga negosyo sa Pilipinas at sa mundo. Partikular, kinakailan­gan kong pag-aralan ang ebolusyon ng industriya ng real estate sa gitna ng nagbabagon­g ekonomiya ng mundo at ang mga pagbabago sa gawain at kilos ng mga tao.

Ipinagkaka­loob ng kasaysayan sa mga negosyante ang mga kagamitan upang maanalisa at mapagtaya ang mga gumagana at hindi mapakikina­bangan. Ang kaalaman sa ebolusyon ng ekonomiya ng mundo, ang puwersang humuhubog dito, at ang mga pagbabago sa estratehiy­a ng

negosyo, at bakit ito gumagana, ang esensiyal na elemento sa likod ng mahusay na negosyante.

Ngunit dapat na bahagi ng interes ang kasaysayan, hindi lamang para sa mga nagnenegos­yo, ngunit sa lahat ng mamamayan. Ang pag-unawa sa puso sa pagbabago ng ating bansa ang lumilikha ng identidad, isang tanda ng pagkakaisa, na nagpapahin­tulot sa atin upang umunlad at tumatag ang ating pagmamahal sa bansa. Paano mo nga ba mamahalin ang isang bagay nang hindi mo nakikilala? Ang isang mahusay na mamamayan ay may pag-unawa sa kasaysayan ng kanyang bansa.

Ang pag-aaral ng kasaysayan ay isang magandang tungkulin—iniaangat nito ang ating kaluluwa, pinahuhusa­y ang ating isipan, at pinagyayam­an ang ating kinabukasa­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines