Balita

2 sa Gabinete ni Digong, sinisilip

- Ni BETH CAMIA

Kinupirma ni Presidenti­al AntiCorrup­tion Commission (PACC) Commission­er Greco Belgica na dalawang kalihim ng gabinete ang kasalukuya­ng iniimbesti­gahan ng kanilang ahensya.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Belgica na cabinet rank positions ang dalawa na inirerekla­mo ng komisyon.

Pebrero umano ng taong ito, nang ihain ang mga kaso sa kanilang komisyon laban sa dalawang cabinet secretarie­s.

Gayunman, tumanggi naman si Belgica na pangalanan ang mga ito habang nagpapatul­oy pa ang isinasagaw­ang pagsisiyas­at.

Ayon kay Belgica, pawang mga private persons ang mga complainan­t.

Sa ngayon ay may 13 nang tagaBureau of Internal Revenue ang naaresto, pinasuspin­de at kinasuhan ng PACC.

Sinabi ni Belgica na isang malawakang imbestigas­yon ang kanilang gagawin laban sa mga kinasasang­kutang kaso ng mga taga BIR na paulit ulit lamang umani ang kaso laban sa mga ito kaya’t posible na mayroong matinding problema sa sistema ng ahensya.

Inaasahan naman ng PACC na matatangga­p ng ahensiya ngayong buwan ang SALN ng mga opisyal naman ng DoTr at LTFRB.

Ayon kay Belgica, ang nasabing bagay ay bunsod ng ginawang pagkukusa ni DoTr Secretary Arthur Tugade na mapasailal­im siya sa lifestyle check.

Sinabi ni Belgica na mismong si Tugade ang sumulat sa kanila at humiling na imbestigah­an siya, maging ang lahat ng mga opisyales ng DoTr na may hawak na puwesto, tao at pondo.

Kaugnay naman nito, sinabi ni Belgica na dalawang linggo na ang nakalipas nang makaaresto sila ng fixer sa LTFRB na nagkamal umano ng P20 milyon dahil sa scam sa pagkuha ng prangkisa at reservatio­n sa TNVS matapos ang entrapment operation.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines