Balita

Trans solon, nanawagan ng equality

- Ni ALEXANDRIA SAN JUAN

Isang transgende­r woman na hindi pinagamit ng pambabaeng palikuran sa isang mall sa Cubao, Quezon City ang inaresto dahil umano sa pagkuha ng video sa insidente, kamakalawa.

Ayon sa mga awtoridad, dinakip si Gretchen Custodio Diez dahil sa unjust vexation, nang magbahagi ito ng isang live video sa kanyang Facebook account matapos siyang komprontah­in ng isang janitress.

Pagbabahag­i ni Diez sa kanyang halos isang oras na video, papasok umano siya sa women’s comfort room sa itaas na bahagi ng mall dakong 1:30 ng hapon, nang pigilan siya ng isang janitress at ipilit sa kanya ang paggamit umano ng panlalakin­g palikuran.

Ayon kay Diez, nagdesisyo­n siyang simulan ang pagkuha ng video upang mai-record ang paliwanag ng janitress bakit hindi siya maaaring gumamit ng pambabaeng comfort room sa kabila ng ipinatutup­ad na anti-discrimina­tion ordinance sa lungsod.

Dagdag pa ni Diez, hinila umano siya ng dalawang janitress at dinala sa isang kuwarto na tila para sa mga empleyado kung saan siya nagsimulan­g mag-live video sa Facebook upang humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan at bilang ebidensiya.

Sa video, makikita ang ilang security at maintenanc­e na nakikipagt­alo kay Diez habang pinigilan ang pagkuha nitp ng video.

Ilang oras nanatili si Diez sa loob ng nasabing kuwartp bago siya dalhin sa Quezon City Police Station 7 (PS-7) dakong 4:20 ng hapon saka ilipat sa QCPD’s AntiCyberc­rime Division sa Camp Karingal ngunit ibinalik din sa PS-7.

Bandang 11:30 na ng gabi, pinakawala­n si Diez matapos magdesisyo­n ang janitress na iurong kaso sa kanya at humingi ng tawad sa pamamagita­n ng isang liham.

Bagamat tinanggap ni Diez ang paumanhin ng janitress, nanindigan ito na itutuloy ang reklamo laban sa mall dahil sa paglabag sa Gender-Fair Ordinance ng lungsod.

“We will still fight for what is right. ‘Yung violation po against city ordinance ng Quezon City, papatunaya­n po natin sa lahat na may pangil pa rin po ang batas,” pahayag ni Diez matapos pakawalan ng pulisya.

“Wala daw po talagang formal education and training on gender equality ang mga staff. Five years na simula nung napasa yung ordinance sa Quezon City, five years is enough to orient their people para galangin ang mga karapatan natin. It should not happen in Quezon City, it should not happen anywhere in the Philippine­s,” dagdag pa niya.

GENDER-FAIR ORDINANCE

Samantala, taong 2014 pa nang ipasa ng Quezon City council ang City GenderFair Ordinance na layong madepensah­an ang mga miyembro ng LGBT+ community mula sa anumang uri ng diskrimina­syon.

Sa ilalim ng ordinansa, ipinagbaba­wal ang “ridicule, to commit harassment, disallow the entry from any establishm­ent, promote discrimina­tion and to commit any act that demeans the dignity and selfrespec­t of a person.”

LGBTQ+ COMMUNITY,

SOLON, UMALMA

Samantala, nakatangga­p naman ng suporta si Diez sa kay Bataan First District Representa­tive Geraldine Roman at nakipag-usap sa mga personnel ng istasyon upang ipaliwanag ang ordinasa at sumuporta sa LGBT+ rights.

“The LGBT community might be a minority but they are still Filipinos whose rights have to be protected. We, in the Congress, have to stand up for that equality,” pahayag ng mambabatas.

Nagpahayag din ng pagkadisma­ya ang mga miyembro ng LGBTQ+ NCR partylist hinggil sa harassment at diskrimina­syon na nangyari kay Diez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines