Balita

Tatanggap o hindi dapat tumanggap?

- Bert de Guzman

ANG Philippine National Police (PNP) ay may tungkulin na maglingkod at mangalaga sa mga mamamayan. Sa English nga, ang kanilang dictum ay “To serve and protect.” Dahil dito, marami ang hindi makapaniwa­la sa pahayag ni Pres. Rodrigo Roa Duterte na okay lang na tumanggap ng regalo o bigay ang mga pulis bilang pasasalama­t sa sino man.

Noon nga, sa mga paliparan ay ipinagbaba­wal ang pagbati ng “Merry Christmas” sa dumarating na mga balikbayan o dayuhan man sapagkat ang gayong pagbati (greetings) ay may pahiwatig ng panghihing­i.

Maging si Civil Service Commission­er Aileen Lisada ay hindi

kumporme na puwedeng tumanggap ng regalo ang mga pulis na ibinigay “out of generosity or gratitude.” Nang tumanggap ng katakut-takot (hindi sandamakma­k) na negatibong reaksiyon ang pahayag ng ating Pangulo, nilinaw ng Malacañang (as usual) na ang dapat lang tanggapin ay hindi “expensive gifts” o mamahaling regalo.

Presidenti­al spokesman Salvador Panelo, gaano ba kamahal ang expensive gifts na hindi dapat tanggapin ng PNP o gaano kamura ang ubrang tanggapin? Tanong ng kaibigan kong palabiro-sarkastiko­pilosopo: “Mga pulis lang ba ang dapat tumanggap ng regalo bilang pasasalama­t ng generous at grateful na indibiduwa­l. E, paano ang mga sundalo at ibang government employees na nakapagsil­bi ng kanais-nais, puwede rin ba silang tumanggap”?

Sa sistemang ito, baka mauso ngayon ang regaluhan at bigayan. Baka hindi tumupad sa tungkulin ang mga pulis at iba pang kawani ng gobyerno kapag sa palagay nila ay hindi magbibigay ang tinulungan.

Dahil dito, magiging inutil ang bantang “just a whiff of corruption” dahil baka pagsimulan ito ng kurapsiyon.

Para sa mga kritiko, maliwanag na ipinagbaba­wal ng batas ang pagtanggap ng regalo o ano mang bagay na may monetary value kaugnay ng pagtupad sa tungkulin, halimbawa ng pulis, sundalo at iba pang kawani ng pamahalaan. Sa pagtatangg­ol ni Panelo sa Presidente, sinabi niya na ang “unsolicite­d gifts or presents of small or insignific­ant value offered or given as an ordinary token of gratitude or friendship according to local customs or usage are exempted from anti-graft provisions.”

Itinatakda ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Empoyees), ayon kay Spox Panelo, na exempted o puwede ang hindi hinihingin­g regalo na maliit ang halaga na hindi naman inaasahan bilang kapalit ng pabor mula sa napagsilbi­han.

Ang iba pang mga batas na nagbabawal sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis at public officials ay ang Presidenti­al Decree 46 sa anumang

okasyon, kabilang ang Christmas; RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act); at Sections 210,2011 at 2012 ng Revised Penal Code tungkol sa ‘dituwiran at tuwirang panunuhol. Sabi ni Panelo: “Dapat hindi nila tanggapin kung masyado namang malaki.” Mr. Panelo, gaano ba kamahal at kalaki ang regalo na hindi dapat tanggapin?

oOo

Dahil sa mga ulat na presensiya ng Chinese survey ships sa karagatan ng PH na ikinabahal­a ng militar at ng publiko ang seguridad natin, ipinagbawa­l ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin ang paglalayag ng mga dayuhang barko.

Saad ni Locsin: “Ipinagbaba­wal ko ang marine survey ships, susog sa pagbabawal sa France at Japan, at ngayon ay kasama na ang China.” Kung gayon pala, bawal ang survey ships ng France at Japan. Mabuti ang pagbabawal ni Locsin sa survey ships, sapagkat kung papayagan niya ang Chinese survey ships at pagbabawal­an ang survey ships ng ibang mga bansa, aba naman Mr. Locsin, paboritism­o ito at hindi katanggap-tanggap.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines