Balita

Incomparab­le ang pagmamahal ng ina - Max

- Ni NORA V. CALDERON

MATATATAK na kay Max

Collins ang magtatapos nang teleserye niya sa GMA 7, ang Bihag na napapanood sa afternoon prime slot.

“Nang i-offer sa akin ang serye, matapos kong mabasa ang summary nito, hindi ako nagdalawan­g-isip na tanggapin,” sabi ni Max. “Alam ko kung gaano kahirap ang role na gagampanan ko na may pisikalan kami, halos bawat eksena ni Reign ( Sophie Albert). Pero bukod doon, nakita ko, habang nagtitapin­g kami, natututuna­n ko na incomparab­le ang pagmamahal ng ina para sa kanyang anak and of course,

family’s love can forgive lahat ng mga pagkakamal­i.”

Ano ang pinaka-challengin­g na eksena na tumatak sa kanya bilang si Jessie, ang asawa ni Brylle (Jason Abalos) at ina ni Ethan (child star Rafael Landicho)?

“Siguro po iyong eksenang nabuko ko sina Reign at Brylle na magkasama sa kama. Napagod ako sa eksenang

‘yun physically, emotionall­y and mentally. Mahirap po kasi para sa akin ang eksenang iyon, dahil iba’t ibang emotions ang ipinakita ko.”

Ngayong finale sa Biyernes, Agosto 16, ng Bihag, nagpasalam­at si Max sa lahat ng mga nakasama nila sa serye.

“Sobrang proud ako sa lahat ng tao na naging parte ng show, lahat sila hardworkin­g, nag-sacrifice sila

ng sleep, time sa family, vacations, accepting other jobs – ibinigay nila ang buong puso nila sa show namin at sobrang thankful ako sa kanila. At

masaya ako na ang dami naming mga magagandan­g memories. Proud ako sa friendship at pamilya na nabuo sa set.”

Ang Bihag ay idinirek ni Neal del Rosario at magtatapos na sa Biyernes Agosto 16.

 ?? Max ??
Max

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines