Balita

Lani, balik-acting

- Ni NORA V. CALDERON

ISA munang mahusay na aktres si Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla, bago niya pinasok ang pulitika. Isinantabi muna niya ang acting nang magkaroon ng kaso ang asawa at ngayon ay senador nang si Bong Revila, dahil hinarap niya ang pagiging legislator bilang kinatawan ng Bacoor City, bago naging mayor ng Bacoor, at ngayon ay nasa second term na siya.

Kamakailan ay tumanggap si Mayor Lani ng Best Local Chief Executive (medalya ng pambihiran­g paglilingk­odLakan Degree) sa katatapos lang na selebrasyo­n ng anibersary­o ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ginanap sa Philippine Internatio­nal Convention Center.

Post ni Lani sa kanyang Instagram (IG) wall, “Thanks BFP for this award. This will inspire me to give more service to my constituen­ts.”

At ngayon, tumanggap ulit siya ng magandang balita nang alukin ni Bossing Vic Sotto ng role

bilang nanay ni phenomenal star Maine Mendoza sa entry ng APT Entertainm­ent at M-Zet Production­s sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. ang Mission Unstapabol: The Don Identity

na ididirek ni Mike Tuviera.

Ayon sa manager niyang si Manay Lolit Solis, hindi tinanggiha­n ni Lani ang alok at magkakaroo­n siya ng special participat­ion sa pelikula. Inamin naman ng mayora na fan siya ng AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza). Ilang beses na ring naimbita ni Lani si Alden sa mga events nila sa Bacoor City, pero first time niyang makakatrab­aho si Maine.

Hindi raw naman makakaabal­a sa trabaho ni Mayor Lani ang shooting nito dahil four shooting days lamang ang naka-schedule sa kanya. Bagay ngang mag-Nanay sina Lani at Maine dahil pareho silang maganda at morena.

 ??  ?? Mayor Lani
Mayor Lani

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines