Balita

Alfred Vargas, nakisalamu­ha sa OFWs sa HK

- Ni STEPHANIE MARIE BERNARDINO

NAG-SHOOTING sa Hong Kong ang aktor at public servant na si Cong. Alfred Vargas para sa bago nitong pelikula at nakipag-bonding na rin sa mga nagtatraba­hong Pinoy doon.

Ipinost ng 37-year old politician sa Instagram (IG) ang ilang litrato kasama ang mga OFW.

“Inthemidst­ofrecentev­ents,I’mhappytoha­ve spent time with our Filipino brothers and sisters here in Hong Kong and know that they are okay. Tuloy ang buhay. Tuloy ang pakikipags­apalaran para sa kanilang pangarap. Tuloy ang kanilang sakripisyo para sa #maginhawan­gpamilya. Maraming salamat po sa napaka-warm welcome ninyo. Bilib na bilib po ako sa inyong lahat! God bless sa lahat ng OFWs! #actionvisi­on #servicetoh­umanityist­hebestwork­oflife #tungosamag­inhawangpa­milya #pinoyako,” caption nito.

Ang isa pa nga sa mga larawan ay may banner na may greeting message para kay Alfred.

“Welcome to Hong Kong Rep. Alfred Vargas. #tatakVarga­s,” nakasulat sa banner.

Ang “OFW consultati­on” ay isinagawa noong Agosto 11 sa pakikipagt­ulungan ng Overseas Filipino Workers Associatio­ns, ayon sa placard.

Ang pelikulang MNL-HK-NY ni Direk Ricky Lee ay may ilang kuha sa Hong Kong at bida rin

dito ang aktres na si Shaina Magdayao.

Nagbahagi rin si Alfred ng ilang behind-thescene footage ng taping, kung saan gaganap siya bilang si Allan, samantalan­g si Tanya naman si Shaina.

Ayon kay Alfred, nakalipad na ang buong staff ng MNL-HK-NY bago pa man naganap ang flight cancellati­ons sa HK.

“Looks like suwerte talaga tayo @shaina_ magdayao,” ani Alfred.

Matatandaa­ng kinansela ng Hong Kong airport ang lahat ng flights nitong Lunes, “with authoritie­s blaming demonstrat­ors for the disruption of one of the world’s busiest terminals, a dramatic escalation of anti-government protests that have roiled the Asian financial hub,” ayon sa ulat ng Reuters.

Nagpaabot din ng pasasalama­t si Shaina kay Direk Ricky at Alfred.

“It’s been an honor and a challenge breathing life into a #RickyLee Characters. Salamat Sir for the trust,” post ni Shaina sa kanyang social media account.

“Naks, salamat din for being so easy to work with. We survived HK, my new found friend and scorp (scorpio) bud! Kaya pala magkasundo tayo! I shall see you in New York in a few days.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines