Balita

Katy Perry, inakusahan ng sexual misconduct

-

PINARATANG­AN ng sexual misconduct si Katy Perry ng aktor na si Josh Kloss, ang love interest niya sa 2010 Teenage Dream music video, iniulat ng Yahoo

Entertainm­ent.

Isiniwalat ni Josh ang nasabing abuse sa Instagram (IG) post nito, at ayon sa kanya, hinila pababa ni Katy ang kanyang pantalon at underwear upang ilantad ang kanyang genitals sa mga dumalo sa birthday party na naganap sa isang roller skating rink. Lahad niya, nangyari ang insidente pagkatapos ng pinagsamah­an nilang trabaho at matapos ng hiwalayan ni Katy at ng dati nitong asawa na si Russell Brand taong 2011. Inamin niyang he felt “pathetic and embarrasse­d.”

Ibinabahag­i umano ni Josh ang kanyang kuwento dahil “our culture is set on proving men of power are perverse. But females with power are just as disgusting.”

Sa post ay ibinahagi ni Josh ang working experience niya habang ginagawa ang Teenage Dream video ni Katy. Ayon kay Josh, binayaran siya ng $650 para sa trabaho at ipinagkala­t umano ni Katy sa buong set na “gross” ang naging kissing scene nila sa music video.

Gayundin, ibinahagi rin niya na pagkatapos ng kanilang first day set ay inimbitaha­n umano siya ni Katy sa isang strip club ngunit tumanggi siya

sa alok nito.

Sabi ni Josh, habang ang imahe ni Katy ay isang leader sa kanyang “great empowering anthems,” iba naman ang naging karanasan niya sa pakikipagt­rabaho sa singer. Sa katunayan, tinawag niya itong “one of the most confusing, assaulting, and belittling jobs I’ve ever done.”

Dahil wala pang komento si Katy ukol dito, patuloy siyang ipinagtata­nggol ng fans at inakusahan nila si Josh na tinatangka umano nitong i-“defame” si Katy.

Dagdag pa ni Josh, Katy’s team “lorded over” He also claimed that Perry’s team “lorded over” him when he did press for “Teenage Dream” and told him what to say in his responses. “In a couple interviews they edited and answered for me,” aniya.

Iginiit naman ni Josh na mabuti ang intensyon niya, “Folks I am putting us both out on display to increase and enlighten everyone. I don’t want money for this, Many of you project your own ambitions. I don’t want fame from this, that is why I stomached it and kept working, and kept supporting the ‘teenage dream’ image.”

Ibinahagi niya rin ang abisong natanggap niya mula sa Instagram nang i-report ng users ang kanyang post. Ipinakiusa­p niya sa photo sharing site, na pagmamay-ari ng Facebook, na huwag aburahin ang naturang account niya. “Deleting me won’t help anyone.”

 ??  ?? Katy
Katy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines