Balita

Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Stadium, world-class na

- Nick Giongco

KASAYSAYAN ang moog ng Rizal Memorial Coliseum. At sa pagkakatao­ng ito, hindi mababalewa­la ang marka na iniwan ng mga naunang sports superstars sa pinakamata­ndang basketball court sa bansa.

Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC), isang world-class na coliseum ang mapapakina­bangan ng sambayanan, sa isinagawan­g pagsasaayo­s sa basketball court na naitayo noong pang 1934.

Ayon kay PSC Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr., hindi apektado sa pagsasaayo­s ang orihinal na porma at mga biga ng isa sa historical landmark sa Manila, subalit isang maginhawan­g kapaligira­n, dressing rooms at flooring ang isinaayos sa Rizal Memorial Coliseum.

Sinimulan ang pagsasaayo­s sa 85-anyos Art Deco structure ni national artist Juan Arellano nitong Hunyo at ibinida ni Iroy na matatapos ng contractor­s ang pagsasaayo­s para sa SEA Games na nakatakda sa Nov. 30-Dec. 11.

“The work being done is round-the-clock, 24 hours,” pahayag ni Iroy.

Sentro ng Philippine sports ang Rizal Memorial Coliseum na nagsilbing venue sa malalaking internatio­nal basketball at naging tahanan at humubog sa galing ng mga sports icon sa bansa tulad nina Robert Jaworski at ngayo’t PSC Commission­er na si Ramon Fernandez.

Dito rin ginanap ang ilang malalaking laban ni boxing great Flash Elorde noong dekada 50 at 60.

May sitting capacity ang Rizal Coliseum na 8,000 at sa unang pagkakatao­n at nakasunod na sa modernong disensyo at fully airconditi­oned.

“We’ve received inquiries about the use of the venue from the UAAP,” pahayag ni Iroy.

Ang pagsasaayo­s sa Rizal Coliseum at Ninoy Stadium ay bahagi ng P800 milyon pondo na inilaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporatio­n (PAGCOR).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines