Balita

TRABAHO NA TAYO!

PSC, POC at PHISGOC, nagkasundo sa atas ng gawain sa SEA Games

- Annie Abad

WALA ng banggaan sa responsibi­lidad ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Sa isa pang patunay ng katatagan at pagkakaisa ng mga sports leaders para masiguro ang kahandaan at tagumpay ng 30th Southeast Asian Games hosting, nilagdaan ng tatlong ‘major players’ ang memorandum of agreement (MOA) na tumutukoy sa kani-kanilang gawain at responsibi­lidad.

Iminarka nina PSC chairman Butch Ramirez, POC president Bambol Tolentino at PHISGOC Chief Executive Officer Ramon ‘Tats’ Suzara ang kanilang mga lagda sa harap nang lider ng iba’t ibang national sports associatio­ns (NSAs), mga atleta at coach sa ginanap na media conference kahapon sa PSC administra­tive office sa Manila.

Batay sa MOA, nakasentro ang atensyon ng PSC sa pagpapalab­as ng kinakailan­gang pondo na inilaan ng pamahalaan, gayundin ang pagrepaso sa mga dokumento na magpapabil­is sa importasyo­n ng mga sports equipment at kagamitan na kailangan sa konstrucsy­on ng mga venues para sa SEAG na nakatakda sa Nobyembte 30 hanggang Disyembre 11.

Nakasentro ang SEAG sa New Clark City sa Pampanga, Subic, Tagaytay City, Batangas, Manila at Philippine Arena sa Bulacan para sa opening ceremony.

Sasagutin naman ng PHISGOC ang pangangail­angan sa organisasy­on, pamamahala , at paghahanda batay sa regulasyon ng Internatio­nal Olympic Committee (IOC) at SEA Games Federation.

Responsibi­lidad naman ng POC ang komunikasy­on sa SEAGF, pamamahala sa NSAs hingil sa kanikanila­ng line-up at kahandaan ng mga atleta para masiguro ang target na overall championsh­ip.

Ngunit, iginiit ni Ramirez na magiging mahigpit ang PSC sa pagpapalab­as ng pondo, higit at hindi biro ang inilaang P6billion ng pamahalaan, sa pangunguna ng Pangulong Duterte at ayuda ni Senator Bong Go.

“Wala dapat na masayang na pera because what we are going to spend is public funds,” pahayag ni Ramirez, patungkol sa direktiba ng Malacanang.

Kabuuang 1,868 (1,068 lalaki at 800 babae) atletang Pinoy ang sasabak sa 530 events mula sa 56 sports.

“What’s the use of being the host and spending that much if we cannot win the championsh­ip?” sambit ni Ramirez.

Gaganapin ang opening ceremony sa Philippine Arena sa Bocuae, Bulacan, habang ang bulto ng mga events, kabilang ang centerpiec­e athletics at multievent swimming at ang closing ceremony ay sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

“We are very happy for this tripartite. Medyo late nga ito but this is a commitment to make sure that we are all for a successful hosting,” pahayag ni Ramirez.

 ?? PSC PHOTO ?? UNITY! Sa unang pagkakatao­n, nagpakita ng tunay na pagkakaisa ang mga lider at opisyal mula sa tatlong ‘major player’ sa paghahanda ng 30th Southeast Asian Games hosting.
PSC PHOTO UNITY! Sa unang pagkakatao­n, nagpakita ng tunay na pagkakaisa ang mga lider at opisyal mula sa tatlong ‘major player’ sa paghahanda ng 30th Southeast Asian Games hosting.
 ??  ?? KABILANG ang tatlong bagong ambulansiy­a sa inihanda ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa SEA Games.
KABILANG ang tatlong bagong ambulansiy­a sa inihanda ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa SEA Games.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines