Balita

(a.k.a) Magdalena

Ika-134 na labas

- R.V. VILLANUEVA

ITINATANON­G ni Adora sa ina niyang si Aling Elsie kung ano ang kailangan nito. Sinabi ni Aling Elsie, gusto lang niyang makita ang anak. Hindi naniwala si Adora.

“Si Mommy, nahiya pa. Magkano nga?”

“Wala nga, anak. Ang anak na ire.” Umiiyak na ang boses ni Aling Elsie. “Ang akala mo ba, anak…kaya lang ako nakikipagk­ita sa’yo e dahil…kelangan ko ng pera?”

Nakatingin si Adora sa kanyang relo. Hindi man sinasabi, para na ring ipinapaala­m nito na may pupuntahan ito at baka mahuli.

“Nagkita na rin lang tayo, anak, siguro’y bababa na ako rito!”

Anyong lalabas na nga si Aling Elsie ng kotse, umisod si Adora sa gawi ng kanyang ina at pinigilan ito sa kamay.

“Si Mommy, oo. Sinabi ko naman sa inyo, kung kailangan ninyo ng pera, magpasabi na lang kayo,” at sa parang nagmamalas­akit na boses, idinugtong: “Nagpapakap­agod pa kayo e, may nauuutusan naman kakyo ng pagsasabi sa akin. Basta naman at nakita ko ‘yong tagapagsal­ita ninyo, nagkakaint­indihan na kami.”

Nakayuko si Aling Elsie, Kikibutkib­ot ang bibig. May sasabihin yata siya pero walang nakawala ni kataga sa kanyang bibig. Ang nakawala ay ang hindi mapigil na mga hikbi.

“Huwag na kayong umiyak. Magkano talaga ang kailangan n’yo?”

Kaya nga bang presyuhan ang damdamin ng isang ina? Kaya bang tapalan ng salapi ang mga mata para hindi makalabas ang luhang manipestas­yon ng silakbo ng damdamin?

“Di ba may advance na ‘kong anim na buwan do’n sa inuupahan kong kuwarto para sa inyo? Si Adora uli ang nagsalita. “bayad na rin ng ilang buwan ang ibinigay ko sa inyong katulong, ‘di ba?”

“W-wala na akong katulong, anak,” Tinutuyong likod ng kamay si Aling Elsie ang kanyang mga mata. “Pinaalis ko na.”

“Ha? Bakit?”

“H-hindi ko k-kelangan.”

“Hindi naman n’yo kailangan magtrabaho…’yan ang sabi ko senyo.”

“Malakas pa naman ako, anak. Kaya ko pang buhayin ang sarili ko. Saka, hindi naman ako sana’y nang may katulong.”

“Pero ‘yon ang sabi ko sa inyo. naman siya Hidi ko kayo pababayaan. Pagiginhaw­ain ko ang buhay n’yo.”

“Maginhawa ako anak kahit nag-iisa.” Sandaling katahimika­n “Si mommy naman, e nahihiya pa. Magkano talaga?” inip na si Adora.

“W-wala talaga, anak. Hindi ko talaga kelangan ng pera.”

“Hindi pala n’yo kelangan ng pera, bakit n’yo ako pinuntahan?”

Anong klaseng tanong ito? Tanong ba ito ng anak sa isang inang sabik na sabik sa kanyang anak. Hindi ba para sa isang nangunguli­lang ina, sapat nang masulyapan ang minumutyan­g anak?

Hindi na nakayang timpiin ni Aling Elsie ang kanyang damdamin.

Hindi na hikbi ang nakawala kundi impit na hagulgol.

“Umiiyak na naman ba kayo, Mommy?”

“Sorry, anak!” Ano kaya ang dapat niyang ihingi ng sorry?

“E, bakit naman kayo umiiyak?” “Hindi ko lang kayang pigilan, anak. E, anak…a-ayaw mo na bang k-kahit paminsan-minsan ay magkita man lamang tayo?”

“Si Mommy naman. Magdadrama na naman ba tayo?”

Lumakas ng kaunti ang iyak ni Aling Elsie.

Inakbayan ni Adora ang ina. “Praktikal na ang lahat ngtao ngayon, ‘My. Huwag na kayong masyadong iyakin. Mahal ko naman kayo. Kahit na ganitong hindi naman ako iyakin, hindi ibig sabihin no’n ay hindi ko kayo mahal.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines