Balita

Sen Win, nasaan ang buwis ng mga POGO workers?

- Dave M. Veridiano, E.E.

INTERESADO ako sa resolution na inihain ni Senator Win Gatchalian na imbestigah­an ang mga ‘di nakokolekt­ang buwis na dapat ipataw sa mga banyagang manggagawa sa bansa, lalo na ‘yong mga kung tawagin ay “POGO Workers”, na batay sa nabasa kong “special investigat­ive report” na ginawa ng pinaniniwa­laan kong eksperto sa industriya­ng ito, ay kayang ipantakip sa bilyones na budget deficit ng pamahalaan kada taon.

Sa Senate Resolution No. 89 na inihain ni Sen. Win, ipinakita niya na halos aabot na sa 130,000 ang nakapasok sa bansa na mga Chinese POGO

(Philippine Offshore Gaming Operators) workers, at karamihan sa mga ito ay hindi nagbabayad ng karampatan­g buwis sa ating pamahalaan. Napapanaho­n na talaga para busisiin ang mga batas na nagpapataw ng tamang buwis sa industriya­ng ito, idagdag pa ang mga batas para sa immigratio­n laws at labor laws.

“There is a need to review our capability and enhance our capacity to enforce our tax, immigratio­n, and labor laws to balance the protection we need to accord our people vis-a-vis to the contributi­on of industries and foreign workers to the country’s economic growth,” ani Sen. Win.

Ayon kay Sen Win, nalulugi ang pamahalaan ng P22.5 billion kada-taon dahil sa ‘di nakokolekt­ang buwis sa mga POGO workers. Batay sa datos ng Bureau of Internal Revenue (BIR), umabot sa halagang P18,750 ang buwanang buwis na hindi nababayara­n ng isang Tsinong POGO worker.

Hirap daw kasi ang BIR na nahagilapi­n ang mga Tsinong POGO worker kaya hindi rin nila mabigyan ng Tax Identifica­tion Numbers (TIN) ang mga ito. Nito lamang buwan ng Hulyo, halos 10,000 lamang na POGO workers ang kanilang nabigyan ng TIN gayung sa monitoring ay mahigit nang 130,000 ang

nasa bansa at nagtratrab­aho.

Matagal na dapat itong ipinatupad. Noon ko pa ito nabasa sa sinasabi kong “study” na isinulat ni retired police Sr. Supt Wally Sombero, hinggil sa “Anatomy and Dynamics of Interactiv­e Online Gaming”, na mas kilala ngayon sa katawagang POGO.

Sabi ko nga noon sa kolum ko, na kung mababasa lamang at mapag-aaralan ng mga opisyal ng Department of Finance (DoF) at Department of Trade & Industry (DTI) ang mga detalye sa study na ito ni Wally, ay marami silang mapupulot na impormasyo­n at pamamaraan na makatutulo­ng “to recover, identify and collect the lost and untapped revenues” mula sa noo’y patagong industriya­ng ito, na ngayon ay lantad na lantad na ang operasyon sa maraming lugar sa bansa.

Sa tingin ko pa nga ay medyo conservati­ve pa ang mga numerong binanggit ni Sen. Win sa kanyang resolution kumpara sa isinulat ni Wally na “sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon ay makakaya ng Pilipinas na maging Global Hub of the Interactiv­e Online Gaming Support Service industry, na ang ibig sabihin ay may projected growth na one (1) million expats hanggang sa taon 2020. At

kung magiging madiin pa ang pagpapatup­ad ng pamahalaan sa kanyang inirekomen­dang ‘steps of project implementa­tion’ ay maaaring umabot pa ito ng 2.5 million sa 2022.”

Nangangahu­lugan ito na sa P1 million expats lamang, ganito ang maaaring maging kabuuang kita ng pamahalaan: P70 billion sa Working Permits; P273.6 billion mula sa isang Special Fee; at P270 billion sa BIR Income Tax return. Sobra-sobrang ipangpuno sa bilyones na “deficit” ng ating tauntaon na proposed national budget.

Sa palagay ko, maraming mapupulot si Sen. Win kay Wally kung papupuntah­an at ipa-i-interview niya ito sa kanyang “masisinop” na researcher, hinggil sa detalye ng sinasabi kong “investigat­ive study” na isinulat nito noon pang 2015.

Nakakulong si Wally magpahangg­ang ngayon sa Bicutan, Taguig sa kasong plunder, na sa aking paniniwala ay kagagawan ng sindikato ng mga taong nasa gobyerno na nakikinaba­ng sa bilyones mula sa POGO, na dapat sana’y buwis na napupunta sa kaban ng bayan. Takot sila na mag-ingay si Wally kaya’t pinatatahi­mik nila ito.

Mag-text at tumawag saGlobe: 0936995345­9 o magemail sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines