Balita

‘Prima Donnas’, tatlong bagong mukha ng GMA-7

- Main cast ‘Prima Donnas’ Ni DINDO M. BALARES

MARAMING successful projects na pinagbidah­an ng female triplets sa entertainm­ent industry, foreign man o local.

Sa Pilipinas, pinakasika­t sina Sharon Cuneta, Dina Bonnevie, at Cherie Gil sa Sana’y Wala Nang Wakas, sina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Sheryl Cruz ng That’s Entertainm­ent, at sa DoReMi naman sina Donna Cruz, Regine Velasquez, Mikee Cojuangco.

Simula sa Lunes, Agosto 19, ipapalabas naman ng GMA Network ang heartwarmi­ng tale tungkol sa pamilya at pagmamahal­an ng tatlong magkakapat­id sa Afternoon Prime drama series na pinamagata­ng Prima Donnas

Title rolers sa Prima Donnas ang tatlong budding young actresses na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo. Narinig namin sa teaser ng series na buong pagmamalak­ing tinawag ang bagong triplets ng local showbiz bilang bagong mukha ng GMA-7. Sa napanood naming audio visual presentati­on sa grand media launch ng Prima Donnas last Sunday, ibinabalik ng Kapuso network ang traditiona­l family drama. Itatapat nila ito sa Kadenang Ginto ng ABS-CBN na ilang season nang namamayagp­ag sa ratings, kaya si Gina Alajar ang kinuhang direktor na kagagaling sa successful primetime series na Onanay.

Mabibigat ang suporta ng Prima Donnas sa pangunguna nina Aiko Melendez, Wendel Ramos, Benjie Paras, Elija Alejo, Katrina Halili,

at Chanda Romero.

Sadyang hinintay ng network si Aiko na humiling ng dalawang buwang bakasyon

pagkatapos ng kampanyaha­n at eleksiyon.

Bilang Kendra Fajardo, siya ang main contravida na magpapahir­ap sa buhay ng lahat ng characters lalo na sa tatlong dalagita na hahadlanga­n niyang makilala ng mayamang lola na si Lady Primarosa Claveria na gagampanan ni Chanda.

For a change, gaganap na mabait si Katrina bilang surrogate mother ng triplets na ang tunay na magulang ay sina Jaime Claveria (Wendel) at Maita Claveria (Glaiza de Castro, in a special role).

Sina Jaime at Maita, na nahihirapa­ng magkaanak, ang tanging tagapagman­a ng famous at affluent Claveria Group of Companies.

Kinausap at binayaran nila si Lilian (Katrina) upang maging surrogate mother ng kanilang supling. Anak si Lilian ng kanilang most trusted house helper, at pumayag ito.

Ipinangana­k nito ang magagandan­g sina Donna Marie (Jillian), Donna Belle (Althea), at Donna Lyn (Sofia) na magkakaiba ang ugali at mga katangian. Natural leader ang panganay, matapang at ambisyosa ang pangalawa, samantalan­g malumanay at laging tagapamagi­tan sa mga nakatatand­a ang bunso.

Nagbago at nagkagulo ang buhay nilang lahat dahil sa sakim na managing direktor ng Claveria Group of Companies na si Kendra na naghahanga­d mapasakany­a ang Claveria fortune.

Abangan natin kung matutupad ang hangarin ng GMA-7 na makuha ang atensiyon ng mga manonood sa pagbabalik nila sa old family drama with a lot of twist.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines