Balita

KaTropa, magpapakat­atag kontra Aces

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Center)

4:30 pm Meralco vs. Blackwater 7:00 pm TNT vs. Alaska

Masungkit ang ikapitong sunod na panalo na lalo pang magpapatib­ay sa kanilang solong pamumuno ang pupuntirya­hin ng TNT sa pagtutuos nila ngayong gabi ng Alaska sa pagpapatul­oy ng 2019 PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Magaganap ang tapatan ng mga koponang kasalukuya­ng nasa ulo at buntot ng team standings ganap na 7:00 ng gabi pagkatapos ng unang laban sa pagitan ng Meralco at Blackwater ganap na 4:30 ng hapon.

Hawak ng Katropa ang malinis na markang 6-0, panalo-talo habang may isa pa lamang panalo ang Aces matapos ang anim na laro.

Huling tinalo ng Katropa ang kanilang sister squad Bolts noong nakaraang Sabado sa iskor na 116-113.

Nagposte si import KJ McDaniels ng 51 puntos at 10 rebounds upang pamunuan ang nasabing came-frombehind win na pormal na nagsulong sa kanila sa quarterfin­als.

Bagamat pinapabora­n kontra Alaska, hindi puwedeng maging kampante ang Katropa lalo’t nakakuha na rin ng momentum ang una makaraang makatikim na rin ng panalo sa nakaraan nilang laro kontra Rain or Shine,78-71 sa pamumuno nina import Franko House at nagbabalik buhat sa injury na si Jeron Teng.

Sa unang laban, magkukumah­og naman ang Bolts na makabalik ng winning track upang tumatag sa pagkakaluk­lok nila sa third spot hawak ang 3-2 na rekord.

Taglay naman ang kabaligtar­ang barahang 2-3 sa 7th place, sisikapin naman ng Elite na dugtungan ang naiposteng 95-89 panalo kontra defending champion Magnolia noong Miyerkules sa pamumuno ni import Marqus Blakely at Mac Belo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines