Balita

₱3-B SHABU, NASABAT

Chinese, 2 Pinoy timbog

- Nina BELLA GAMOTEA, AARON B. RECUENCO at JOSEPH ALMER PEDRAJAS

Halos P3 bilyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine National Police-Drug Enforcemen­t Group (PNP-DEG) sa dalawang magkahiwal­ay na buy-bust operation sa Makati City at Las Piñas, simula nitong Martes ng gabi.

Sinabi ni Lieutenant General Archie Gamboa, officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP), na kabuuang 388 kilo ng shabu ang nagkumpisk­a sa dalawang magkakahiw­laay na operasyon na inilalaraw­an niyang pinakamala­king huli ngayong taon.

Ayon kay Gamboa, nagsimula ang operasyon dakong 11:30 nitong martes ng gabi sa Banuyo Street sa Barangay San Antonio, Makati City.

Ang naaresto ay si Liu Chao, isang Chinese na inilarawan­g safekeeper ng mga nasamsam na shabu.

Ayon sa imbestigas­yon, sa gitna ng transaksiy­on ay biglang nakahalata si Chao na pulis ang kanyang kausap na bibili ng isang kilong shabu.

Kaagad siyang tumakbo sa kanyang kuwarto kaya nadiskubre pa ang nasa 400 kilo ng shabu na nakasilid sa mga tea bag, dog food at maleta at nagkakahal­aga ng P2.5 bilyon.

Ayon kay Gamboa, nagrenta si Chao ng isang apartment sa Makati City dalawang linggo na ang nakalipas para pag-imbakan ng mga droga na ibinebenta niya sa pamamagita­n ng kanyang contacts, kaya’t minanmanan siya ng pulisya.

“There were a series of test buy, from one kilo to six to seven kilos. After this, an operation was conducted last night (Martes),” ani Gamboa.

FOLLOW-UP

Sa follow-up operation dakong 11:30 ng umaga kahapon, dalawang diumano’y courier ni Chao ang naaresto sa buy-bust sa isang parking lot sa C-5 Extension, Barangay Manuyo sa Las Piñas City.

Kinilala sila na sina Joel Bustamante at Merwin Bustamante, magkapatid, at kapwa residente ng Tenejeros, Malabon City. Nakumpiska sa kanila ang 17 plastic packs ng green tea bags na naglalaman ng shabu, na ang bawat pakete ay tig-isang kilo at nagkakahal­aga ng P115 milyon.

“Said arrested suspects are the courier of Mr Liu Chao, Chinese citizen who was arrested earlier by the same operatives in Makati,” saad sa ulat ng pulisya.

SMUGGLED

Sinabi ni Gamboa na naniniwala sila na ang mga droga ay bagong smuggled.

“This is usually transporte­d by air ir by sea. But definitely, these came from outside (country),” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines