Balita

Luis, inuudyukan nang mag-propose kay Jessy

- Ni ADOR V. SALUTA

BUNSOD ng panunukso ng best friend ni Luis Manzano na si Billy Crawford tungkol sa kanila ng girlfriend na si Jessy

Mendiola, biglang nagpahagin­g ang TV host na may plano na rin siyang magpropose ng kasal sa girlfriend na si Jessy. Nasa tamang edad, 38 na si Luis habang 26 na si Jessy.

Noong November 25, nag-post si Jessy sa Instagram ng close-up picture ng kanyang perfectly-manicured nails na may nakasuot na eternity ring at heart-shaped diamond ring na tila pinu-promote ng aktres. Dito nagkomento si Billy na dapat ay totoong engagement ring na ang ilagay ni Luis sa ring finger ni Jessy.

Biro ni Billy kay Jessy, “Sibihan mo na yung bestfriend ko ilagay nya na yung singsing sa ring finger mo.”

Hindi nagbigay ng anumang pahayag si Jessy sa mensahe ni Billy.

Nitong November 26, si Luis na mismo ang nag-reply kay Billy upang siguruhin ang kanyang intensiyon­g pakasalan si Jessy.

Sumagot siya ng “yes [hearts] that’s the plan.”

Nagdiwang sina Luis at Jessy ng kanilang third anniversar­y bilang magkasinta­han noong June 25.

Ang relasyon nila ay aprubado ng kanikanila­ng pamilya.

Patunay nito ang pagsama ni Jessy sa bakasyon ng pamilya ni Luis na sina Batangas Sixt District Representa­tive Vilma Santos-Recto, husband Senator Ralph Recto, Ryan Christian sa Taipei kamakailan lamang na itinaon sa recess ng Congress nitong unang linggo ng November.

Sa YouTube vlog ni Jessy, mapapanood kung paanong tinukoy ni Luis ang ina bilang “mom-in-law” ni Jessy. Sabi pa ni Luis, parehong-pareho sina Jessy at Vilma ng style ng buhok, suot na black shirt, hindi pagkain ng balat ng dumpling at ang TV host-actor na parehong “minahal nila”.

Matagal na ring “Momski” ang tawag ni Jessy kay Vilma.

Sa kanyang vlog, nabanggit ni Jessy na nakakasama rin ng aktres ang ama ni Luis na si Edu Manzano sa isa nilang bonding.

Sa isang episode ng Magandang Buhay noong January 2019, sinabi ni Edu na “always welcome” si Jessy na inilarawan niya bilang “napakabait” ang pag-uugali.

Sa kabilang banda, mainit din ang pagtanggap kay Luis ng pamilya ni Jessy.

Nang magkita sina Jessy at ama nitong si Roger Tawile noong January 2019, sinabi ng huli na gusto niya si Luis at handa na rin daw itong magkaapo mula sa celebrity couple.

Ang ama ni Jessy ay kasalukuya­ng nakabase sa Bahrain.

Close rin naman si Luis sa ina ni Jessy na si Didith Garvida.

Nito lang November 21, nag-post pa si Didith sa Facebook ng pictures kasama sina Jessy at Luis na dinalhan daw siya ng pasalubong na mga paborito niyang cold cuts.

 ??  ??
 ??  ?? Luis at Jessy
Luis at Jessy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines