Balita

‘Premyo Bonds’ magandang panregalo sa Pasko

- Genalyn D. Kabiling

Naghahanap ka ba ng regalo para sa iyong sarili o sa mga mahal sa buhay ngayong Pasko?

Hinikayat ng gobyerno ang publiko na ikonsidera ang pamumuhuna­n sa abot-kaya, convenient at credit-risk free “Premyo Bonds” o prize bonds ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay National Treasurer Rosalia de Leon, ang mga interesado­ng buyers ay maaaring mamuhunan sa “Premyo Bonds para sa bayan” sa halagang P500 at magkakaroo­n pa sila ng tsansang manalo ng ilang papremyo.

Ang one-year peso-denominate­d Premyo Bonds ay inilunsad nitong Nobyembre 25 para hikayatin ang mas maraming tao na mamuhunan sa government securities. Ang alok ay tatakbo hanggang sa Disyembre 18.

“Tamang-tama rin po ang timing dahil ngayon po gift-giving season, we are already sa Christmas holidays at dumarating na po iyong mga bonus at lahat po ng mga pagkakaper­ahan ng ating mga kapwa so it’s time to save and at the same time giftgiving,” ani De Leon sa press briefing sa Palasyo.

“Puwede po nating ibigay iyong

Premyo Bonds, parang form of regalo,” dagdag niya.

Sinabi ni De Leon na para mapadali ang pamumuhuna­n ng mamamayan, mayroon silang option na mag-apply online (www. treasury.gov.ph) o sa pamamagita­n ng authorized selling agents. “With our facilities mas mapapadali at mas convenient po ang pag-o-order ng Premyo Bonds,” aniya.

Sinabi ni Deputy Treasurer Erwin Sta. Ana na ang Premyo Bonds ay hindi lamang affordable kundi “virtually credit-risk free” pa dahil ito ay suportado ng gobyerno. Nilalayon ng pamahalaan na makalikom ng P3 bilyon sa alok.

“It pays quarterly interest payment, so every quarter po makakatang­gap ng interes ang investors ng Premyo Bonds,” aniya sa parehong press conference.

Bukod sa quarterly interest payment, sinabi niya na ang Premyo Bonds investors ay magkakaroo­n din ng tsansang manalo ng cash prizes.

Sa quarterly draws, isang investor ang mananalo ng P1 milyon, 10 ang magwawagi ng P100,000 at 50 ang mananalo ng P20,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines