Balita

8 tulak tiklo sa magkakahiw­alay na buy-bust

- Jun Fabon

Tiklo ang walong tulak ng droga makaraang makumpiska­han ng tinatayang P400,000 halaga ng ilegal na droga sa magkahiwal­ay na buy-bust operation ng Quezon City Police District, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD Director PBrig. Gen. Ronnie S. Montejo ang mga suspek na sina Del Rosario alyas Brix, 31anyos ng Barangay Lagro; Pie Karylle Roice Biaña alyas Bonya, 19, ng Bulacan at mga kasama sa shabu session na sina Ramon Christophe­r Paloma alyas Mon-Mon, 27, ng Taguig City; Aldrin Magdalena, 22, ng Bulacan, at tatlong menor de edad.

Sa imbestigas­yon, dakong 2:00 ng madaling araw nang natiklo ng mga operatiba Novaliches Police Station (PS4) ang mga tulak ng shabu sa pamumuno ni PLt. Col. Rossel Cejas sa ikinasang buy-bust operation sa Room S-203, Central Apartelle sa Quirino Highway, Novaliches.

Nakumpiska ng otoridad sa nasabing operasyon ang P176,800 halaga ng shabu, drug parapherna­lia, 3 cellular phones, 2 Yamaha motorcycle, helmet at buy-bust money.

Sa ulat naman ng Masambong Police Station (PS 2), dakong 1:30 ng madaling araw, arestado sa anti–illegal drug operation ng pulisya sa tapat ng isang convenienc­e store sa Timog Ave. si Jose Luis Abalon alyas Beshy, at Matt Christian Quero, pawang 23 taong gulang, ng Pasay City.

Nasamsam sa kanila ang cocaine na nagkakahal­aga ng P148,400 at buy-bust money.

Una rito, arestado ng Kamuning Police Station (PS 10) dakong 10:30 ng gabi kamakalawa sa buy-bust operation sa tapat ng Capitol Poultry Supply sa Aurora Blvd. sa Bgy. Bagumbayan, QC, ang mga tulak na sina Janine Jaylo alyas Maria Indica, 25, at Jhamaica Torres, 18, pawang taga-Antipolo City.

Nasabat sa kanila ang 1 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahal­aga P120,000, Honda Click motorcycle, cellphone at P22,000 buybust money.

Nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ang mga suspek matapos sampahan sa QC Prosecutor­s Office ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drug Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines