Balita

Makati ‘zero tolerance’ sa droga –Binay

- Dhel Nazario

Nagbabala si Makati City Mayor Abigail Binay laban sa mga lokal at banyagang sangkot sa illegal drug trade sa lungsod, idiniin na ang walang lugar ang droga sa lungsod.

Ito ay kasunod ng pagkakaare­sto ng isang Chinese national na nakuhaan ng P2.7 bilyon halaga ng shabu mula sa isang warehouse sa Barangay San Antonio kahapon ng umaga.

Nasamsam sa buy-bust operation ng pulisya ang mahigit 400 kilo ng mga droga na itinago sa dog food packaging sa loob ng bodega.

“Let me remind everyone, both locals and foreigners, of Makati’s ‘zero tolerance’ policy against all forms of illegal drugs and substances. There will be no special treatment, no sacred cows when drugs are involved,” ani Mayor Abby.

“The full force of the law will be brought down on anyone who would dare to deter us from attaining a ‘DrugFree Makati’,” diin niya.

Naalarma rin ang alkalde sa malaking bulto ng illegal drugs na nakapasok sa bansa at pinuri ang pagiging listo ng mga awtoridad na mapigilan ang sana’y masamang idudulot nito.

“The burden it would have brought on families, communitie­s, and on society as a whole is immeasurab­le,” diin ni Mayor.

Nanawagan siya sa lokal na pulisya, mga residente, at iba pang stakeholde­rs na patuloy na makipagtul­ungan sa city government para malabanan ang ilegal na droga.

“I also urge our beloved Makatizens to keep a tight watch on their neighborho­ods and promptly report drug-related illegal activities to the authoritie­s. Let us not allow our homes and communitie­s to be destroyed by drug syndicates and their protectors,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines