Balita

Isyu ng impeachmen­t dito at sa US

EDITORIAL

-

SA kabila ng kinahahara­p na impeachmen­t ni United States President Donald Trump sa US House of Representa­tive, isa pang bagong kontrobers­iya ang kinasasang­kutan nito, kaugnay ng pagdinig sa US Navy court martial na maaaring humantong sa pagkasibak ng isang Navy Seal na inaakusan ng krimeng may kinalaman sa digmaan.

Inihahanda nang isumite ng US Navy review board ang desisyon nito na maaaring mag-dismiss sa akusadong Seal nang maglabas si President Trump ng pahayag sa pamamagita­n ng kanyang paboritong media outlet, ang Twitter, nitong Huwebes at sinabing: “The Navy will not be taking away Warfighter and Navy Seal Eddie Gallagher’s Trident Pin.”

Ang pangulo, sa ilalim ng konstitusy­on ng Amerika, ang commander-in-chief ng sandatahan­g lakas ng bansa, ngunit sinabi ni US Navy Secretary Richard Spencer na hindi niya ikinokonsi­dera ang naging tweet ni Trump bilang isang pormal na utos. Kaya naman, tuloy ang Navy review board sa pagdinig nito, ayon sa isang opisyal ng Pentagon. Nitong Linggo, sinibak ni Defense Secretary Mark Esper si Navy Secretary Spencer.

Sa kabutihang palad para sa ating bansa, hindi gumagamit ng Twitter si Pangulong Duterte. Gayunman, madalas maharap sa isyu ang kanyang mga pahayag na minsan ay namamali ng interpreta­syon ang publiko, minsan, maging ng kanyang sariling mga tao sa pamahalaan. Mayroon din tayong isang opisyal sa pamahalaan na mahilig din sa pagtu-tweet—si Secretary of Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr., ngunit ang kanyang mga tweet, na may mga pagkakatao­ng nahahaluan ng masasamang salita, ay ikinokonsi­dera naman ng publiko na isang personal na pagpapahay­ag ng kanyang opinyon.

Ginagamit ni US President Trump ang Twitter upang makaabot sa kanyang mga tagasuport­a, na tinatanggi­han din ang mga malalaking pahayagan at iba pang media outlet. Ginagamit niya ang Twitter upang sagutin ang mga kritisismo sa kanyang mga aksiyon at polisiya sa ugnayang panlabas, tulad ng pagalis ng tropa ng US sa Syria at ang kanyang naging pakikipag-usap sa telepeno sa pangulo ng Ukraine.

Ginamit niya ang kanyang tweet upang patamaan ang mga “low-life reporters” at tawagin ang impeachmen­t inquiry sa US House, na “impeachmen­t hoax,” isang “witch hunt” sa Kongreso, at “a phony scam by the do-nothing Dems.” Maaaring lumusot ang impeachmen­t sa House, na kasalukuya­ng kontrolado ngayon ng mga Democrats, ngunit malamang, na sa Senado, na hawak ngayon ng Republican­s, ay maabsuwelt­o ito. Pinaniniwa­laang ang tunay na laban, ay sa nakatakdan­g halalan sa Nobyembre kung saan naghahanga­d si Trump na muling mahalal laban sa isang Democratic challenger.

Ang sistema ng impeachmen­t ay kasama sa US Constituti­on bilang paraan upang mahinto ang isang pangulo sa pang-aabuso nito sa kapangyari­han, ngunit maaari rin niya itong maprotekta­han kung susuportah­an siya ng kanyang partido. Ito ang dahilan, kaya walang sinumang pangulo ng Amerika ang napataklsi­k sa opisina sa pamamagita­n ng impeachmen­t. Nagbitiw si President Nixon bago pa ito masalang sa imbestigas­yon ng Senado noong panahon niya.

May katulad tayong sistema ng impeachmen­t sa ating Konstitusy­on. Pinili rin ni Pangulong Estrada na bumaba sa puwesto noong 2001, bago pa mailabas ng Senado ang kanilang desisyon at ang pagdinig ng impeachmen­t ay nasapawan ng EDSA II. Ngunit ang pagkakaroo­n ng sistema ng impeachmen­t ay nakatulong sa dalawang pamahalaan—Amerika at Pilipinas—upang makapagpat­uloy sakaling may nagbabanta ng pag-abuso sa kapangyari­han ng panguluhan at pagkasira sa sistema ng politika at lipunan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines