Balita

ASEAN Clean City Tourist award nakamit ng Iloilo City

- Ni Tara Yap

ISA ang lungsod ng Iloilo sa tatlong siyudad sa bansa na pararangal­an ng Clean Tourist City Standard ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN).

“We are very proud that Iloilo City is recognized as one of the three Philippine winners,”pagbabahag­i ni Mayor Jerry Treñas.

“This warms my heart because having a clean city for my beloved Ilonggos and our tourists to feel safe is what I have worked hard for in the past five months,”dagdag pa ni Treñas.

Pormal na tatanggapi­n ng Iloilo City ang parangal sa Brunei sa Enero 2020.

Para kay Iloilo City Tourism Officer Junel Ann Divinagrac­ia, ang pagkilala ng ASEAN ay

malaking tulong upang maisulong ang siyudad bilang susunod na destinasyo­n para sa mga pagpupulon­g, kumperensi­ya, kumbensiyo­n at eksibit.

“This really promotes Iloilo City in the internatio­nal arena,” pagbabahag­i ni Divinagrac­ia sa Balita.

Nitong Setyembre, nagsagawa ang Department of TourismOff­ice of Tourism Standards and Regulation­s (DOT-OTSR) ng inspeksiyo­n sa mga programa at pagbabago para sa award, na mainam na kasangkapa­n na

makatutulo­ng sa ASEAN-member states na mapaganda ang kalidad ng turismo at mapataas ang kakayahan ng siyudad sa merkado.

Halos isang dekada na ang nakararaan, nang sumailalim ang Iloilo City sa massive infrastruc­ture developmen­t sa pangunguna ni Ilonggo Senator Franklin Drilon. Isinulong niya ang pagbuhay sa Iloilo River, paglikha ng river park, at konstruksi­yon ng Iloilo Convention Center. Isinulong din niya ang muling paggamit sa isang siglo nang gusali na naging Museum of Philippine Economic History.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines