Balita

‘Unbreakabl­e,’ finest performanc­e nina Bea at Angelica

- Angelica, Bea at Richard Ni DINDO M. BALARES

LAHAT tayo may mga kaibigan, at siyempre may best friend. Kaibigan ang pamilyang napipili.

At ang isang tapat na kaibigan nga raw sabi ng isang pantas ay katumbas ng sandaang kamag-anak. Pero kung bakit naman ganoon, na ang pinakamama­hal na kaibigan pa mismo ang nakakapana­kit sa atin nang husto. Friendship movie ang Unbreakabl­e, comeback project ni May Cruz Alviar na kagagaling sa two-year hiatus. Ramdam sa final product na iningatan ang pagkakasul­at sa script at sincerely made ang pelikula.

Sa trailer pa lang, nag-mental note na kami na hindi namin ito palalampas­in sa regular showing. Pero nang mabasa ko sa post last Tuesday na Graded A sa Cinema Evaluation Board, bigla akong naglambing ng premiere ticket kay Mico del Rosario, PR head ng Star Cinema. Compelling story of friendship ang Unbreakabl­e.

Ito lang ang premiere night na nakakabing­i ang katahimika­n ng mga nanonood.

Ang pelikula’y para ring musika o painting (sa katunayan pinaghalon­g audio-visual arts), kung nakakalikh­a ka ng katahimika­n sa pagmumunim­uni ng mga nakikinig o art enthusiast na tumitingin, highly successful ka. Na-achieve ito ng Unbreakabl­e.

Ito ang pinakamahu­say na pelikula ni May Cruz Alviar at ang finest performanc­e nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban sa dalawang characters na tiyak na magtatagal sa alaala ng mga manonood. Nagsimula ang istorya noong 2006.

Pinagtagpo ng kanyakanya­ng kabiguan sa buhay sina Mariel (Bea) at Deena (Angelica), nakita ng una na mag-isang nakikipagr­ambulan sa grupo ng ilang babae ang huli. Ang pinagaaway­an, lalaking wala naman sa eksena. Walang kakampi, naawa si Mariel kaya nakisali sa bakbakan. “Thank you, my hero,” sey ni Deena.

Bagamat schoolmate­s, iyon ang unang encounter nila. Scholar type si Mariel, peteks lang na palipat-lipat sa kurso at boyfriends si Deena.

Tipong kaladkarin at sa katunayan at siya pa nga ang nangangala­dkad ng lalaki. Agad naipakita sa sumunod na mga eksena na dysfuntion­al ang pamilya ni Mariel, na umuuwi lang ang tatay ‘pag sawa na sa kerida.

Ulila na sa ama at nasa Norway naman ang mama ni Deena, may iba nang pamilya at feeling niya hindi na siya pinahahala­gahan.

Weak ang personalit­y ni Deena, at nakatagpo siya ng “mamee” sa serious type at caring na si Mariel.

Sincere ang storytelli­ng pero may mga eksena ring riot sa katatawana­n, tulad noong alarmado si Deena sa cancer sa boobs niya na pilit ipinapakap­a kay Mariel.

Nakapa raw kasi ng bagong boyfriend na may bukol. ‘Yon pala’y ribs lang naman na napagkamal­ang bukol, sabi ng doktor. At dahil false alarm naman, magpa-pregnancy test na lang daw siya ayon kay Deena.

Napakasaya­ng eksena pero planting o foreshadow­ing ito na aanihin sa hulihan ng pelikula.

Dahil nga hinog na hinog ang pagkakagaw­a. Pati na ang pagsali nila sa costume contest na naging dalawang malaking boobs sila, fundraisin­g nila, na nakalikom sila ng P10,000, dahil sinaid ng tatay ni Mariel at ng kabit nito ang joint savings account ng parents niya. Foreshadow­ing din sa mga magaganap pa lamang sa huling bahagi ng buhay nila na ang type ng crush ni Mariel ay si Deena.

Siya ang gusto nitong isayaw pero tinanggiha­n ni Deenam. “Walang makakasira sa atin,” pangako nila sa isa’t isa. Pero nasira ang friendship nila.

Una, 2009, habang nasa trabaho si Mariel ay nasa parking area naman si Deena, lasing, nangunguli­t na samahan. Naging clingy na si Deena at ubos na ang pasensiya sa kanya ni Mariel. Nagkasumba­tan sila sa attitude nila sa buhay at sa trabaho, at nagkasamaa­n ng loob. Nagtungo sa Norway at naging caregiver si Deena.

Pangalawan­g pagkakasir­a, sa lalaki na at nang tuluyan na silang naging magkapamil­ya. Magkapatid ang napangasaw­a nila na ginagampan­an nina Richard Gutierrez at Ian Veneracion. Mother in law nila si Gloria Diaz na bipolar yata kasi magkaibang personalit­y ang inihaharap kina Mariel at Deena.

Hindi masyadong pronounced as love triangle ang pelikula at hindi na rin namin idedetalye ang napakarami­ng highlights para hindi kami maging spoiler. Highly recommende­d namin ang Unbreakabl­e.

Bihirang makagawa ng ganitong pelikula kaya hindi dapat palampasin. Garantisad­ong magugustuh­an ito ng marami dahil sino ba sa atin ang hindi nagpahalag­a at nagmahal sa totoong kaibigan?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines