Balita

Maricel at Janella, tagisan sa pag-arte sa ‘The Heiress’

- Ni REGGEE BONOAN

NAGKAKUWEN­TUHAN kami ng mga katoto pagkatapos manood ng The Heiress sa ginanap na red carpet premiere nitong Martes sa SM Megamall Cinema 7 kung bakit hindi ito napabilang sa 2019 Metro Manila Film Festival?

Maayos ang pagkakalah­ad ng kuwento ng bawa’t karakter simula palang hanggang matapos ay intindi ng bawa’t nakapanood, hindi sila nalito o nagoyo ng pelikula.

Nakakatawa nga ang mga reaksyon ng mga nanonood sa loob ng sinehan dahil kapag nagugulat ay idinadaan na lang sa tawa para hindi sila tuluyang matakot.

Hindi namin ikukuwento ang pelikula dahil mas gusto naming mapanood ito ng lahat at naaliw kami sa komentong narinig namin, ‘Unbreakabl­e talaga si Marya (Maricel Soriano).’

E, kasi naman nagkasabay ang premiere night ng pelikulang Unbreakabl­e nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban at The Heiress sa pangunguna nina Maricel, Sunshine Cruz, McCoy de Leon at Janella Salvador.

Tama rin naman ang nag-komento, unbreakabl­e pa rin si Maricel pagdating sa pag-arte at oo, para sa kanya talaga ang pelikula.

In fairness hindi nagpakabog si Janella kay Marya

sa confrontat­ion scene nila, palakpakan ang lahat ng nasa loob ng cinema 7 at siyempre ang supporters ng dalaga ay hindi rin nagpahuli sa kahihiyaw. Masama naman ang pakiramdam ni Sunshine nu’ng gabi pero gusto niyang mapanood ang sarili kaya go pa rin siya at ang ganda ng eksenang pinahirapa­n siya ni Marya bilang si Luna. Kahit supporting si McCoy ay nagpakitan­g gilas din siya bilang boyfriend ni Janella na naka-eksena rin si Maricel.

Samantala, hiyawan to the max nu’ng dumating si Arjo Atayde para suportahan ang buong cast lalo na ang kanyang Nana Maricel Soriano na sinuportah­an siya sa celebrity screening ng Bagman 2 na umeere ngayon sa iWant.

At siyempre mas lalong umugong ang tsikang nagkakamab­utihan na sina Janella at Marcus Patterson dahil dumating ito premiere night at sobrang proud siya sa dalaga. Inamin naman ni Janella na inimbitaha­n niya ang aktor at halatang kinikilig nang tanungin siya ng media kung ano na ang real score nila, “pag ready na kami saka namin sasabihin,” saad ng aktres. Anyway, palabas na ngayong araw ang The Heiress handog ng Reggal Films mula sa direksyon ni Frasco Mortiz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines