Balita

Parade of Stars sa MMFF

- Ador V. Saluta

ANG Taguig City ang magiging host ngayong ika-45 Metro Manila Film Festival at ayon sa (MMFF) Execom, magiging pinakamasa­ya ngunit pinakamaha­bang Parade of Stars ang aasahan ng madlang pipol dahil iikot sa mga lugar ng Taguig ang parada. Kasabay ng ika45 taon ng MMFF ang pagdiriwan­g ng ika-100 taon ng Pelikulang Pilipino.

Nagkabunut­an na rin sa sequence ng parada at exciting dahil halos hindi bibitaw ang audience sa dami ng sikat na artista na kasama sa bonggang-bonggang mga floats.

Mauuna ang float nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Mission Unstapabol: The Don Identity, na susundan ng monumental float ng Culion with Iza Calzado, Meryll Soriano, Jasmine Curtis-Smith, Joem Bascon, at Mike Liwag.

Pangatlo ang entry na Write About Love nina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Yeng Constantin­o, at Joem Bascon.

Nasa gitna ang entry ni Coco Martin na 3pol

Trobol: Huli Ka Balbon kasama sina Jennylyn Mercado at Ai-Ai de las Alas.

After Coco’s entry ang kasunod ay ang Aga Muhlach’s float ng Miracle In Cell No. 7 with Bela Padilla and an all-star cast.

Kasunod nito’y ang Carmina Villarroel’s Sunod with Mylene Dizon.

Ang nakasama sa Busan filmfest na Mindanao, nina Judy Ann Santos at Allen Dizon ay pang-pito sa karosang paparada.

At ang nakabunot ng last float sa parada ay walang iba kundi ang entry ng It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis na, M&M: The Mall, The Merrier, na tiyak kahit nasa dulo ng parada ay aabangan at dudumugin pa rin ng madlang pipol.

Gaganapin ang parada sa December 22, Linggo,kaya nakahanda na ang buong puwersa ng Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA) at MMFF sa pagsasa-ayos ng trapiko sa madadaanan­g ruta ng parada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines