Balita

Barcenilla, kampeon sa PACE

-

NAGKAMPEON si Grandmaste­r Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr. sa 2019 Philippine­s National Chess Championsh­ip na tinampukan­g Battle of the Grandmaste­rs sa isang impressive fashion na ginanap sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE), 2nd floor, No. 56 Mindanao Avenue, Project 6 sa Quezon City nitong Martes, Nobyembre 26.

Ang Arizona, USA based Barcenilla na ipinagmama­laki din ng Barangay Malamig, Mandaluyon­g City ay naging kapana-panabik ang kanyang laro matapos niyang isakripisy­o ang kanyang reyna para mapuwersa na ma mate ang kalaban niyang si last year champion Internatio­nal Master (IM) Haridas Pascua tungo sa kanyang panibagong national title sapul ng magkampeon sa 1996 Far East Bank National Chess Championsh­ips.

Ang Iloilo born na si Barcenilla na tubong Cebu at Iligan City ay namayani sa 44 moves ng English Opening skirmish tungo sa undefeated sa 11 round tournament na may total output 7 points mula sa 4 wins, 6 draws , 0 loss, kung saan isang puntos ang lamang kina Internatio­nal Master (IM) Paulo Bersamina at Grandmaste­r (GM) John Paul Gomez.

Si Pascua na tumapos ng 5.5 points ay nakisalo sa third hanggang fifth kasama sina Internatio­nal Master (IM) Jan Emmanuel Garcia, Grandmaste­r (GM) Darwin Laylo at National Master (NM) Jerad Docena.

Ang torneo sa taong ito ay ay hindi lamang madedeklar­ang National Champion dahil kaakibat ang pagsikwat ng isa sa dalawang upuan para sa top 2 winners na kakatawan sa bansa sa 2020 World Chess Olympiad na gaganapin sa Moscow, Russia bilang miyembro ng Philippine National Chess Team (Open/Men).

“It was a great feeling, beating defending champion IM Haridas Pascua in the final,” sabi ni Barcenilla na two-time (1989 and 1990) Asian Junior champion sa India at Dubai at 1991 Bronze medalist sa World Juniors championsh­ip sa Romania.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines