Balita

LALABAN TAYO!

Negatibong isyu, walang epekto sa atletang Pinoy

- Annie Abad

KUMPIYANSA si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na ang nakalaang halagang P1 bilyon ay magbubunga ng maganda para sa ikagagalin­g pa ng mga atletang Pinoy.

Ayon sa PSC chief, gagawin lahat ng ahensiya na mabigyan ng kaukulang suporta ang mga atleta upang makapag hubog ng mga dekalidad na atleta na maaring magiging kapantay ng mga world class talents sa parangan ng sports.

“We spent P1 billion for the training and exposure of our athletes abroad. Never in history of our country has government been this supportive of the Filipino athlete, financiall­y. Ngayon lang nangyari ito sa pamunuan ng ating pangulong Rodrigo Duterte,” pahayag ni Ramirez, na abala rin ngayon sa pag-ikot sa mga venues ng 30th SEA Games sa bansa upang sguruhin ang kaayusan dito bilang Chef de Mission ng team Philippine­s.

Karamihan sa nasabing pondo ay iginugol ng ahensiya para sa mga internatio­nal exposure ng mga atleta kasama na ang training, equipment, mga foreign coaches, sa edukasyon at nutrisyon ng mga ito.

“We want them to be physically and mentally equipped when they represent the country in foreign competitio­ns. Our support to them actually is not just geared for these SEA Games, but even beyond because we want to create a foundation in these games where we can build on our gains,” ani Ramirez.

“I am confident that our P1billion investment on our athletes will bear fruit,not only in the SEA Games but perhaps in the Tokyo Olympics and even the 2022 Asian Games in Hangzhou, China, as well” dagdag pa ng PSC chief.

Samantala buo pa rin ang suportang ibinibigay ng PSC sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), sa pagmamaneo­bra ng 30th Southeast Asian Games na opisyal na magsisimul­a sa Nobyembre 30 at tatagal ng hanggang sa Disyembre 11.

“We want to make sure our investment in our athletes is taken care of with the smooth hosting of the games that is why we are extending our support to the organizing committee. Sila (athletes) naman ang bida rito,” ayon pa kay Ramirez.

Naatasan din ang PSC na isaayos ang mga sports fcailities na gaya ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC), ang Ninoy Aquino Stadium, ang Philsports sa Pasig City at ang Teacher’s Camp sa Baguio upang magamit na training hub ng mga national athletes sa mga susunod na panahon.

Niliwanag din ng PSC na ang main venue ng SEA Games sa New Clark City at ang Clark Economic Zone ay ipinagawa at pinamamaha­laan ng Bases Conversion and Developmen­t Authority (BCDA).

Habang ang nasa Subic ay nasa ilalim naman ng pamamhala ng Subic Bay Management Authority (SBMA).

Ang PSC lamang ang siyang may responsibi­lidad sa pagpopondo para sa mga atleta sa mga training nito habang ang kanilang paglahok sa mga events ay nasa ilalim naman ng pangangasi­wa ng mga NSAs, na nasa ilalim ng pamamhala ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang non-government organizati­ons.

Bukod pa dito ay pinagtutuu­nan din ng pansin ng PSC ang grassroots sports na kanyang ipinapalag­anap sa buong bansa upang ilapit sa sports ang mga kabataan, alinsunod sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga ito ay ang Batang Pinoy, the Philippine National Games, Indigenous Peoples Games at ang Laro’t Saya sa Parke.

“We are just answering the mandate of our President, who wants to make sports accessible to all Filipinos,” ani Ramirez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines