Balita

Chicken sausage, ‘di kikiam sa football team

- Annie Abad

NILINAW ng pamunuan ng Whitewoods Convention and Leisure Hotel, ang billeting hotel na siyang umaaruga ngayon sa mga miyembro ng Philippine women’s national team, na walang katotohana­n ang mga napaulat sa social media hingil sa kaapihan ng mga atleta sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Kamakailan ay kumalat sa social media ang diumano’y paghahain ng nasabing hotel ng kikiam bilang almusal ng mga atleta partikular na ng women’s football team, matapos na magbigay ng pahayag ang mismong head coach ng koponan na si Marnelli Dimzon sa isang press conference.

Aa liham kay Team Philippine­s chef de mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez, sa pamamagita­n ng presidente at chairman ng Whitewoods na si Edgardo Capulong na nagsasabin­g hindi kikiam ang kanilang inihain kundi chicken sausage.

Ayon sa liham na inilathala ng mga opisyales ng PSC, alam umano ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ang pagkain na kanilang inihahain sa mga atleta na kanilang bisita sa nasabing hotel.

“We have proofs of this and the Phisgoc food audit team in the hotel that are on top of the food inspection during, before, and after cooking and during meal time, can attest to the fact that it was not kikiam. The other Pinoy athletes also know that they ate chicken sausage,” ayon sa liham ni Capulong.

Sinabi pa sa nasabing liham na hindi sila kailanman naghahain ng kikiam gayung wala ito sa kanilang menu at maayos din ang mga pagkain na kanilang inihahain sa kanilang breakfast buffet.

“We never serve kikiam because we do not have it and it is not in our menu. Our food serving is generous because we decided a free and open buffet service complete with egg omelet station that is not part of our contract,” ayon pa sa liham.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines