Balita

May mananagot sa SEAG mess

DIGONG ‘DI MASAYA

- Ni GENALYN D. KABILING

May mananagot kapag napatunaya­n sa mga imbestigas­yon ang corruption at incompeten­ce sa pagho-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games sa bansa, tiniyak ng Malacañang sa publiko kahapon.

Sa gitna ng mga kapalpakan sa pagiging punong abala ng bansa sa regional sports tournament­s, sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na ang sino mang sangkot sa irregulari­dad ay mananagot.

Nauna rito ay nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkadisma­ya sa iniulat na mga kapalpakan sa pagho-host bansa sa SEA Games at kaagad na iniutos ang imbestigas­yon sa insidente.

“Alam mo si Presidente, kausap ko siya kagabi (Martes), hindi siya masaya sa mga naririnig niya kaya sabi niya, kailangan ayusin nila yung ginagawa nila para hindi tayo mapapahiya sa ibang bansa. Sabi niya, mananagot yung mga may kasalanan kung meron man,” ani Panelo sa radyo ng bayan.

Nang tanungin kung mayroong mapuputuka­n sa SEA Games mess, sinabi ni Panelo na: “Oo, siyempre accountabl­e yung mga tao diyan kung meron nga kaya kailangang paimbestig­ahan.”

Inamin niya na nais ng Pangulo na malaman kung totoo ang mga alegasyon ng katiwalian at incompeten­ce sa pamamahala sa hosting ng SEA Games.

“Pinapaimbe­stigahan pa rin ni Pangulo kung anuman ang mga irregulari­dad at mga incompeten­ce o corruption na nababalita sa diyaryo kaya nga pinapa-validate,” aniya.

“Iimbestiga­han muna natin kung totoo o hindi. Kung totoo, syempre may mananagot ,” dagdag niya.

Ang hosting ng bansa ng SEA

Games ay nabahiran ng logistical complaints gaya ng hindi magandang hotel, transport at food accommodat­ions para sa mga atleta. Bago ang mga kapalpakan, inulan ng batikos ang organizing committee sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa napakamaha­l na ginastos sa cauldron na paglalagya­n ng apoy ng SEA Games.

Nang tanungin kung ilalarga ang imbestigas­yon matapos ang palaro, sinabi ni Panelo na: “Oo. Kung ano na yung naplano, ano na yung programa, ituloy-tuloy natin.”

Sa mga ulat na hinainan ang mga atleta ng kikiam sa umagahan, sinabi ni Panelo na nilinaw na ito ng mga awtoridad.

“Mukhang hindi naman daw totoo ang mga balita, gaya daw yung pagkain ng kikiam, hindi daw totoo yun. Sausage naman daw ang pinakain,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines