Balita

Ika-98 labas

- R.V. VILLANUEVA

NGAYON pa lamang, nakikita na ng isip ni Erlyn, ang magiging malaking problema kung itutuloy nila ni Rooter ang pagpapakas­al. Kung kasal na kaya sila, magkaroon pa kaya siya ng lakas ng loob na tanggihan ang gusto ng kanyang mister?

Kahit na ano pa ang sabihin, hindi pa rin masasabing ganap na at lubos ang pagkakilal­a niya kay Rooter. Paano kung pumayag lang si Rooter na makikisuno sila sa kanyang mga magulang habang hindi sila nakakasal at pag nakasal na sila’y magbago na ang isip?

Hindi naman marahil gagawin iyon ni Rooter.

Marahil? Hindi ba ang marahil ay walang katiyakan?

Bakit kailangang gumawa ng problema kung pwede namang hindi?

Sa gitna ng mga alinlangan at walang katiyakan, walang nabuong ano mang mapanghaha­wakan.

Muli, mabagal na naglakbay ang panahon.

Sa malas, nagkakatot­oo yata ang babala ni Dr. Rommel at ang kinatataku­tan nina Erlyn at Mang Mamerto. Mukha ngang papalubha ang kalagayan ni Aling Marita. Lalong napapadala­s ang sumpong ng sakit nito.

Kung titingnan lang, parang normal pa rin ang kalagayan ng kanyang ina. Iyon ay pagkatapos ng mga sumpong. Marahil, mahusay ring magtago ng kanyang nararamdam­an si Aling Marita.

Pero mahirap kalabanin ang katotohana­n. Ang hindi kayang itago ni Aling Marita ay ang untiunting pagkahulog ng katawan nito. Maging ang panlabas na kaanyuan nito ay hindi na rin makaipagka­kaila. Ang malubhang sakit ay hindi na rin ganap na matakpan ni Mommy ng pagkunwari­ng tawa at mga kunwaring pagkilos.

Minsan muling nakasarili­nan ni Erlyn ang kanyang Daddy Mamerto. Ganito ang naging takbo ng kanilang diyalogo:

“Kumusta na kayo ni Rooter, anak?”

“Oks naman kami, Dad. Wala kaming hazzle. Nakita naman ninyo, regular niya akong binibisita sa atin.”

“Wala pa ba kayong napagpapla­nuhan?”

“Plano? What do you mean, Dad?”

“Well, hindi ka pa ba niya niyayang pakasal?”

Pinili niyang magsinunga­ling. “Wala pa siyang binabanggi­t tungkol doon. Asa ko’y talagang pinaghahan­daan niya an gaming future.”

“Well and good.”

“Sabi niya, hindi raw kami pakakasal hanggang hindi namin natitiyak na talagang magiging matatag na kami.” Ulk! Nagsinunga­ling na siya’y bakit dinagdagan pa niya?

“Salamat naman kung ganoon.” Sinundan iyon ni Daddy ng malalim na buntong-hininga. “Problema ba, Dad?” “K-kasi, anak…nababahala na ako sa lagay niya.” Alam niya, ang tinutukoy ay ang kanyang mommy.

“Gaano nab a siya, kalubha, Dad?” “Ayokong manghula ng sagot, anak.”

“A-ano ang sabi ng doktor?

Kibit-balikat si Daddy. “Mahirap ding hulaan ang sabi ni Dok. Tulad pa rin ng dati.”

Markado pa rin sa mukha niya ang pagkabahal­a.

“Pero may pakiramdam ako, anak. Kasama ko ang mommy mo sa mahahabang mga oras lalo na sa gabi. Magaling siyang artista pero.. mahirap artehan ang totoo.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines