Balita

Robredo findings sa drug war, ilalabas sa Lunes

- Raymund F. Antonio

Sinabi ni Vice President Leni Robredo kahapon na ilalabas niya ang kanyang findings sa drug war sa “report to the nation” sa Disyembre 16, Lunes, matapos ang pag-host ng bansa ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

“Matatapos siya on Thursday pero nasa Basilan at Marawi kasi ako. Most probably sa Monday gagawin,” ani Robredo, dating cochair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), sa media interview.

Sinabi ng Vice President na isisiwalat niya sa publiko ang report na naglalaman ng kanyang mga natuklasan at mga rekomendas­yon kung paano mapabuti ang mga pagsisikap ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

“Iyong expectatio­n lang ang hinahanap solusyon, hindi problema. Ang hinahanap natin papaano mapapabuti, mai-improve at magmu-move forward,” diin niya.

Ibinigay ni Robredo ang eksaktong petsa ng paglabas ng kanyang report mula sa kanyang maikling stint bilang ICAD co-chair sa sidelines ng paglulunsa­d ng Istorya ng Pag-asa (Stories of Hope) photo gallery sa Commission on Human Rights (CHR) central office sa Quezon City.

Nakatuon ang lady official sa kanyan Angat Buhay at INP projects simula nang siya ay sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa anti-drug body noong Nobyembre 24.

Sinibak si Robredo dahil sa diumano’y incompeten­ce at kabiguang magampanan ang kanyang mga tungkulin. Hinawakan niya ang posisyon sa loob ng 19 na araw nitong nakarang buwan.

Sinabi ng dating anti-drug czar na natatawa siya sa negative reaction ng ilang administra­tion officials kaugnay sa kanyang ilalabas na ulat.

“Walang dapat matakot. Medyo nakakatawa nga ‘yung anticipati­on nanakot ako, wala naman tayong tinatakot. Kasi ang pananakot para lang iyon sa may kasalanan,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines