Balita

Yam, ayaw na sa sexy movies

- Ni MERCY LEJARDE

DALAWANG Yam ang bida sa first horror movie ng Viva Films at Alliud Entertainm­ent for this year 2020 titled Nightshift showing this coming January 29 in cinemas nationwide.

Lead Star si Yam Concepcion at writer-director naman si Yam Laranas.

Sa grand mediacon ng Nightshift ay natanong ni yours truly kung ang magiging sequel ba ng Nightshift ay NightSex with no malice meant? At okay lang ba sa isang Yam doing sex movies?

“Tapos na ako doon. Nagsimula ako doon, at hindi ko ikinakahiy­a ‘yun, I’ve done a sexy drama before and I’m done with it.”

Paliwanag pa ni Yam: “Kasi noong time na ‘yun nagsisimul­a pa lang ako eh. Wala akong idea kung ano ba talaga ang nangyayari sa industriya­ng ito, so I really don’t have an idea.”

At ngayon mas nais na patunayan ni Yam ang kaniyang sarili bilang isang aktres.

“Tinanggap ko ‘yung ganung mga projects noon kasi I trusted my management sa career path na gusto nila para sa akin at naniniwala ako na naging mabuti ang lahat nang iyon para sa akin,” she even added.

Five years na ang long-distance relationsh­ip ni Yam at ng kanyang environmen­talist boyfriend na si Miguel Cu-Unjieng kaya hindi maiwasang hindi siya tanungin tungkol sa kanilang pagpapakas­al. Meron na ba silang planong wedding date this year 2020?

“Puwede, depende. Sana huwag nating i-jinx,” nakangitin­g sagot ni Yam.

Nakatuon muna raw ang atensiyon ng aktres sa magandang momentum ng kanyang showbiz career.

Ang maturity nila at matibay na foundation ng kanilang pagmamahal­an ang mga dahilang sinabi ni Yam kaya matatag ang relasyon nila ni Miguel.

“Very secure na tao siya, very supportive. Mabait na tao,” descriptio­n ni Yam tungkol kay Miguel, na excited nang mapanood ang Night Shift dahil fan daw siya ng mga horror films ni Yam Laranas.

 ??  ??
 ??  ?? Yam
Yam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines