Balita

PHIVOLCS, IIMBESTIGA­HAN

Nina BERT DE GUZMAN, ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN, MARTIN SADONGDONG, at JUN FABON

-

Sa kabila ng pagsisikap at pagtatraba­ho ng mga tauhan at opisyal ng Philippine Institute of Volcanolgy and Seismograp­hy (Phivolcs), nais pa rin ng ilang kongresist­a na isailalim sila sa imbestigas­yon dahil umano sa pagkabigon­g abisuhan ang publiko sa posibleng pagsabog ng Taal Volcano.

Isa sa mga kongresist­a, si Dasmarinas City (Cavite) Rep. Elpidio Barzaga Jr., ang nagsabi na walang pinalabas na news bulletin ang Phivolcs at iba pang mga ahensiya kaugnay ng usapin bagamat may nakataas na ang alert level status nito noong Marso 2019.

Sa kanyang House Resolution 643, binanggit na hindi nagkaloob ang Phivolcs ng kaalaman hinggil sa “hazards of volcanic activity of Taal Volcano to the general public and more particular­ly to its nearest cities and municipali­ties of Cavite, Laguna and Batangas.”

Inaatasan din ng resolusyon ang kaukulang komite sa Kamara na mag-imbestiga sa usapin.

Nais din niyang paimbestig­ahan ang mga tiwaling negosyante na nagbebenta ng face mask sa malaking halaga.

MALAKAS NA PAGSABOG, POSIBLE

Kaugnay nito, itinanggi ni Philvocs chief Renato Solidum na bigo silang ipabatid sa mga tao ang napipinton­g pagsabog ng Bulkang Taal.

Kaugnay nito, binalaan ng Phivolcs ang publiko na huwag maguguluha­n sa ipinakikit­ang paghina ng pag-aalburoto ng bulkan.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, Jr., patuloy pa rin ang banta ng malakas na pagsabog nito dahil sa magma movement nito sa ilalim at ang nararamdam­ang madalas na pagyanig at pagbitak ng lupa sa palibot nito.

“Ihihiwalay natin ‘yung nakikita natin sa ibabaw ng Taal, sa nangyayari sa ilalim,” Renato Solidum, Jr., chief of the Philippine Institute for Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs), paliwanag nito.

Paglalahad ni Solidum, patuloy pa ring umaakyat ang magma mula sa ilalim ng bulkan kaya malaki ang posibilida­d na magkaroon malakas pagsabog.

Sa kasalukuya­n, ipinaiiral pa rin ang Level 4 alert status ng bulkan.

Sinabi ng Phivolcs na mula nitong Martes ng gabi, nagbubuga pa rin ng abo ang bulkan na aabot sa 1,000 metrong taas na nakaaapekt­o sa timog kanluran ng main crater nito.

Sa kabila ng humihinang volcanic activity nito, muling iginiit ni Solidum na magpatupad pa rin ng total evacuation sa volcano island at sa high-risk areas sa nasasaklaw­an ng 14-kilometer radius mula sa bunganga ng bulkan.

466 NA LINDOL, NAITALA

Nagbabala rin si Solidum na marami pang volcanic quake ang dapat na asahan mula nang sumabog ang bulkan nitong Linggo ng hapon.

Sa monitoring ng Phivolcs Seismic Networking, aabot sa 159 tremors ang naitala mula 5:00 ng madaling araw ng Martes hanggang 5:00 ng madaling araw ng Miyerkules.

Sa kabuuan, aabot na sa 466 pagyanig ang naitala ng ahensya mula pa nitong Linggo.

UKA-UKA, NAMATAAN

Inihayag ng ahensya na marami ng uka ang namataan sa lupa sa iba’t ibang bayan sa Batangas bunsod na rin ng sunud-sunod na pagyanig.

Namataan ang malalaking bitak sa barangay Sinisian, Mahabang Dahilig, Dayapan, Palanas, Sangalang, Poblacion, at Mataas na Bayan sa Lemery; Pansipit, at Bilibinwan­g sa Agoncillo; Poblacion 1, Poblacion 2, Poblacion 3, Poblacion 5, sa Talisay, at Poblacion sa San Nicolas.

Napansin din ng Phivolcs ang malalaking bitak sa kalsadang naguugnay sa Agoncillo at Laurel sa naturang lalawigan.

Ang mga ito ay resulta lamang umano ng patuloy na pag-akyat ng magma palabas ng bulkan at ito ay nangyayari bago pa man magkaroon ng pagsabog, ayon kay Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division chief Mariton Bornas.

Inihalimba­wa ni Bornas ang 1911 eruption ng Taal kung saan nakitaan din ng mga bitak sa nasabi ring mga lugar bago pa magkaroon ng malakas na pagsabog.

“Noong 1911 kasi mabilis ang pangyayari. Nagkaroon ng fissuring, then eruption, then subsidence. Iba kasi ang phasing ngayon,” ayon kay Bornas.

Matatandaa­ng huling sumabog ang Taal noong 1977 gayunman, nagaalburo­to pa rin ito noong 2011, 2012, at 2014.

Ayon sa rekord ng Phivolcs, ang Taal ay ikalawang most active sa mga bulkan sa bansa dahil sa naitala nitong 34 na pagsabog mula pa noong 1572.

EVACUEES, NAGUGUTOM NA

Kaugnay nito, nakararamd­am na ng pagkagutom ang mga inilikas sa nasabing pagsabog nmg bulkan.

Ito ay matapos makatangga­p ng ulat ang mga awtoridad na nagkakaroo­n na ng nakawan sa mga lugar na naapektuha­n ng pagsabog.

Gayunman, sinabi ni Brigadier General Kit Teofilo, commander ng Joint Task Group Taal, hindi pa nila madetermin­a ang eksaktong bilang ng insidente dahil mahirap aniya itong maberipika ang mga ito.

“More on pulis na ‘yan pero may mga kuwan siyempre kapag iiwanan na ‘yung kuwan may mga nagpapangg­ap. Kuwan na naman pero minamanage naman ng pulis. “‘Yan ‘yung after affect parati ng mga situation na ganyan,” aniya.

Gumagawa na aniya ng paraan ang pulisya ngunit nahihirapa­n ang mga ito dahil na rin sa lawak ng lugar.

“Pero siyempre hindi mo rin maiwasan ‘yung mga residents na mag-worry,” sabi nito.

“Pabalik-balik kasi eh. Minsan nailikas na, akala wala na, biglang bumabalik so may nakakaluso­t,” paliwanag pa ng opisyal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines