Balita

Parusa vs sinungalin­g, iginiit bigatan

- Leonel M. Abasola

Kailangan ang mas mataas na batas laban sa mga nagkakalat ng kasinungal­ingan kahit “under oath” sa korte at lehislatur­a.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson kailangang matigil na ang pagkakalat ng mga mali at mapanirang impormasyo­n gaya ng ginawa nina Atty. Jude Sabio, Peter Joemel “Bikoy” Advincula, Rodney “Ninja Cop” Baloyo IV, Edgar Matobato, Arturo Lascañas, Cezar Mancao II, at Mary “Rosebud” Ong.

“Naging tig-singkong duling na lang ang pagsisinun­galing under oath sa Pilipinas. That is why there is a compelling need for a stronger perjury law,” banggit ni Lacson.

Kamakailan ay pinahayag ni Sabio na iuurong niya ang reklamong isinampa sa Internatio­nal Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil daw ang unang isinampa niyang kaso ay “politicall­y motivated.”

Noong 2019, nagalit ang senador at ipinaconte­mpt si Baloyo sa pagbigay ng maling testimonya tungkol sa operasyon ng “ninja cops”.

Binalikan din ni Lacson ang pagtatangk­a ni Advincula na iugnay sa operasyon ng droga ang pamilya Duterte pero sa bandang huli ay binawi rin ang testimonya.

Bukod sa nabanggit, sa kanyang mga unang taon bilang miyembro ng lehislatur­a, hindi rin tinigilan si Lacson ng paninirang-puri buhat sa mga tulad ni Ong, Mancao at Mawanay, na pakawala ng dating administra­syon na gustong ipakulong si Lacson.

“Our present perjury law only carries a prison term of six months up to two years and two months. With a penalty that light, we can expect lying witnesses not only in Senate hearings but even before the courts,” paliwanag ni Lacson.

Kaugnay nito, inihain ni Lacson ang Senate Bill 28 na naglalayon­g bigyan ng mabigat na parusa ang pagsisinun­galing sa korte at Kongreso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines