Balita

Gobyerno may R6.8-B pondo para sa disaster relief

- Genalyn D.Kabiling

Mayroong P6.8 bilyon para sa disaster response ang “fist-responder” government agencies sa national budget ngayong taon na maaaring gamitin para sa relief efforts sa Bulkang Taal, inihayag ni Budget Secretary Wendel Avisado nitong Martes.

Sa Taal situation briefing na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batangas City, sinabi ni Avisado na ang national government ay mayroong “more than enough” funds upang tustusan ang huling relief efforts para sa mamamayang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

“We are assured that the government has more than enough funds. I say more than enough because we are still beginning the 2020 national budget utilizatio­n,” aniya.

Batay sa 2020 budget, sinabi ni Avisado na ang Department of Education ay mayroong alokasyon na P2.1 bilyon; Department of Agricultur­e, P1.5B; Department of Social Welfare and Developmen­t, P1.25B; Department of Public Works and Highways, P1B; Department of Health, P600M; Department of National Defense, P250M; at National Electrific­ation Administra­tion, P100M.

“We would like to assure the people that the government is doing its best and managing the funds necessary to respond to all these needs,” aniya.

“We will be consulting and securing the approval of the President in all of this, particular­ly in the utilizatio­n of the NDRRM (National Disaster Risk Reduction) funds,” dagdag niya.

Ngunit sa ngayon, hinikayat ni Avisado ang lokal na pamahalaan ng Batangas na gamitin ang kanyang calamity funds na tinatayang P409M bago umayuda ang pambansang pamahalaan.

“We just want to assure you that you have funds that you can utilize. At the moment that the activity of Taal is ongoing, you just follow the guidelines in the utilizatio­n,” aniya.

“Ito po kasi ang pamantayan din namin sa DBM na bago po pumasok ang national government ay kailangan na maipakita natin na ginamit niyo na nga ‘yong pera niyo, talagang kukulangin,” aniya.

Sinabi niya na inirekomen­da niya sa Pangulo na aprubahan ang anumang hiling na pondo na kukunin mula sa national disaster risk reduction and management fund o sa contingenc­y fund.

“But at the moment, I would imagine that lahat ng mga department­s natin, lalo na ‘yung mga first responders are getting their funds from the continuing appropriat­ions that they have,” aniya.

Isinailali­m na sa state of calamity ang Batangas sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal na nagbunsod ng paglikas ng libu-libong mga pamilya.

Inaasahan ang posibleng mapanganib na pagsabog nito sa loob ng ilang araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanolog­y and Volcanolog­y (Phivolcs). Ipinatupad na ang evacuation sa loob ng 14-kilometer danger zone sa paligid ng bulkan.

‘WAG PAKAMPANTE Umapela si Phivolcs director Renato Solidum sa evacuees na huwag munang magbalik sa kanilang mga tirahan, at huwag magpalinla­ng sa tila pananahimi­k ng bulkan. Sinabi niya na ang malalakas na lindol at fissures o mga bitak ay mga senyales ng increased unrest ng bulkan.

“Puwedeng masabi n’yong mas mahina ang nangyayari at minsan nagiging false sense of security kaya pumupunta ‘yung ibang tao at bumabalik. Hindi ‘yan ‘yung basehan namin kung bakit namin itinaas ang Alert Level 4,” aniya sa press briefing sa Palasyo nitong Martes.

“Ang basehan talaga namin ay pagkakaroo­n ng mga lindol at ang lindol na po ‘yan ay malalakas,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines