Balita

Babae, tumalon sa riles; biyahe ng LRT-1 naantala

- Mary Ann Santiago

Pansamanta­lang naantala ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) matapos isang babae ang tumalon sa riles nito kahapon ng umaga.

Unang napaulat na nahilo ang babae at nahulog sa riles habang papalapit ang northbound train sa Doroteo Jose Station, sa Sta. Cruz, Manila, ngunit malaunan ay nagpalabas ng pormal na pahayag ang Light Rail Manila Corporatio­n (LRMC), na siyang nangangasi­wa sa operasyon ng LRT-1, at nilinaw na tumalon ang babae at hindi nahulog sa riles.

Sa statement ng LRMC, nabatid na 6:45 ng umaga nang tumalon ang hindi pinangalan­ang babaeng pasahero, na nasa 32-anyos ang edad, sa riles sa Doroteo Jose Station habang paparating na ang northbound train.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng LRMC upang masagip ang pasahero at maialis sa riles.

Kaagad ding dinala ang babae sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa initial medical observatio­n at kinalauna’y inilipat sa Medical Center Manila para sa full medical examinatio­n.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuya­ng sumasailal­im sa X-ray, ultrasound at CT scan ang babae. Batay sa initial medical findings ay nagtamo siya ng sugat sa ulo.

Pinuri rin naman ng LRMC ang train operator sa pagiging listo nito ay kaagad na nahila ang emergency break kaya’t hindi nasagasaan ang babae.

Tiniyak ng LRMC na sa kabila ng insidente ay ligtas at maayos ang serbisyo nila sa mga pasahero.

Nananawaga­n rin sila sa mga sumasakay sa LRT-1 na sumunod sa rules and regulation­s sa mga istasyon at mga tren.

Dahil sa pangyayari ay pansamanta­lang natigil ang biyahe ng mga tren ng LRT-1 ng may 24 na minuto at naibalik sa normal ang operasyon nitong dakong 7:09 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines