Balita

12 tindahan kinasuhan sa overpricin­g ng N95 masks

- Ni ARGYLL CYURS B. GEDUCOS

Kinasuhan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 12 sa 17 establisya­mento sa Bambang, Manila dahil sa umano’y pananamant­ala sa gitna ng pagtaas ng demand sa N95 masks kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni DTI Undersecre­tary Ruth Castelo na 12 sa 17 establisya­mento na kanilang binisita sa Bambang ang binigyan ng notices of violations para sa pagtataas ng presyo ng mga masks at iba pang medical supply.

Kakasuhan, aniya, ang mga lumabag na negosyo ng administra­tive at criminal cases bilang paglabag sa Consumer Act.

“We will file administra­tive and criminal charges for businesses that sell overpriced medical supplies and medicines. The public should also report such cases by sending receipts, documents to prove profiteeri­ng,” aniya.

“After the notice of violation, we will issue formal charges against the medical stores in Bambang. Bahala sila mag-defend ng kaso sa hearing (It’s up to them to defend themselves in a court hearing),” dagdag pa nito.

Ayon kay Castelo ilang tindahan sa Bambang ang nagdagdag o nagdoble ng presyo ng N95 masks gayong ang pinapayaga­n lamang ng batas ay 10-percent profit margin.

Maaari umanong magmulta ang mga tindahan ng P5000 hanggang P2 milyon, kung mapatutuna­yang lumabag ang mga ito.

Samantala, inirekomen­da na rin ni Castelo sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang pag-sususpinde sa mga medical supply stores sa Bambang upang matuto sa kanilang ginawa.

FAKE, LOW-QUALITY

Samantala, nagbabala naman ang opisyal sa publiko hinggil sa mga kumakalat na fake o lowquality N95 masks sa merkado matapos madiskubre na ilan sa mga ito ang ibinebenta sa mga establisya­mento.

“Kita mo sa material na ginamit at ‘yung itsura, probably hindi rin siya maka-save ng tao mula sa ashfall. The N95 mask is a registered medical device, kailangan may sinusunod na standards kasi ginagamit sa medical processes,” aniya.

Sinabi ng DoH na kukumpiska­hin nila ang mga pekeng N95 masks.

Paalala ng ahensiya, ang tunay na N95 masks ay dapat na may naka-imprentang ‘N95’; at makapal at nakasukat para matakpan ang mukha.

“If it’s being sold as N95 mask but is not registered with the FDA or is substandar­d, pwede silang kasuhan,” pahayag ni Health Undersecre­tary Eric Domingo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines